^

PSN Opinyon

Alis na, Ebdane

SAPOL - Jarius Bondoc -
BAGO pa man hingin ng Makati mutineers na sibakin si PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane, hiningi na ng madla na mag-resign siya. Ito’y matapos makatakas sa Camp Crame si Indonesian terrorist Fathur Rohman al-Ghozi, kasama ang Abu Sayyaf na sina Abdulmukim Ong Edris at Omar Opik Lasal. Napuno na ang publiko sa kapalpakan ni Ebdane. Ilan linggo bago siya napuwesto nu’ng Hulyo 2002 nakatakas din sa kanyang unit sina kidnapper Faisal Marohombsar, Rolando Patiño at Abdul Macaombang. Nasundan pa ito ng paglundag mula sa Camp Crame headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency ni narcotics lord na Henry Tan, at pagkawala ng Dacer-Corbito kidnap-murder witness Supt. Glenn Dumlao. Kumbaga, napapalusutan si Ebdane.

Hirit ni Ebdane nu’ng una at huling takas, kagagawan kuno lahat ng kung sinong PNP officer na ayaw siyang maging hepe o nais agawin ang puwesto niya. Pero hangga ngayo’y di pa niya ito pinapangalanan.

Nang makatakas si al-Ghozi, ang unang naibulalas ni Ebdane ay barilin ang pugante at ibalik sa kampo miski lasog-lasog na ang katawan. Lalong nagalit ang taumbayan sa utos na animo’y balak pagtakpan kung paano nakapuslit ang terorista mula sa maximum-security jail. Nakalusot lang si Ebdane nang iutos ni President Gloria Arroyo na pamunuan niya ang manhunt at ang pagtatayo ng bagong kulungan sa Camp Crame. Pero mahigpit na bilin ni Gng. Arroyo na ibalik ang tatlo nang buhay.

Pero hayan, napatay si Edris sa misteryosong paraan. Nahuli na siya kuno sa Lanao at ituturo na ang hideout ni al-Ghozi nang mapatay habang inaagawan ng armas ng nambihag. Ni hindi PNP ni Ebdane ang dumakip kay Edris, kundi AFP –na mabilis niyang pinawalang-sala sa salvaging. Kalat ang balitang nahuli na o pinatay din ng mga sundalo si al-Ghozi, at nadakip na si Lasal. AFP din ang kumilos, hindi PNP.

Tapos na ang manhunt, pero hindi nasunod ang nais ni Presidente na makapagsalita sana ang tatlo tungkol sa pagtakas. Tapos na rin ang bagong kulungan. Kung gayon, tapos na ang misyon ni Ebdane. Puwede na niyang dinggin ang hiling ng madla na umalis na siya sa puwesto.

ABDUL MACAOMBANG

ABU SAYYAF

CAMP CRAME

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EBDANE

EDRIS

FAISAL MAROHOMBSAR

GHOZI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with