^

PSN Opinyon

Sa may prostate problem uminom nang maraming tubig

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
KADALASANG ang mga kalalakihang may edad 60 hanggang 70 ang nagkakaroon ng problema sa prostate gland. Sa isang pag-aaral, lumalabas na apat sa may 1,000 kalalakihan ang nagpapagamot dahil sa kanilang prostate problem sa loob ng isang taon.

Ang prostate ay hugis walnut na nasa ilalim ng urinary bladder na ang pina-function ay ang pagpo-produce ng semen o semilya. Kung ang isang lalaki ay may prostate problem, makararanas siya ng madalas na pag-ihi, paputol-putol na pag-ihi, mahapding pag-ihi hanggang sa tuluyan nang huminto ang pag-ihi. Sa ganitong sitwasyon, nararapat nang magpakunsulta ang isang nakararanas ng sintomas. Hindi ito dapat ipagwalambahala sapagkat maaaring ang dahilan ng prostate problem ay malignant growth.

Itinuturong dahilan kung kaya nagkakaroon ng prostate ay ang mababang level ng zinc. Nagkakaroon kasi ng build-up ng tinatawag na dihydrotestosterone (isang product ng male hormone testosterone), at nangyayari ito kapag mababa ang level ng zinc. Nakikita rin ang cells sa enlarged prostate gland kung saan ay mababa rin ang level ng zinc.

Ang pagkaing mayaman sa zinc ang kailangan ng may prostate problems. Ang mga pagkaing mayaman sa zinc ay kinabibilangan ng whole grains, shellfish, karne, nuts and seeds, Vitamin E at maging ang mga fatty acids na makukuha sa oil ng isda.

Ipinapayo sa mga may prostate problems na uminom ng tatlong pints ng tubig araw-araw. Inirerekomenda ng mga herbalists ang mga diuretics na tulad ng parsley o celery seeds. Ang iba pang diuretic drinks na kinabibilangan ng alcohoil, coffee at tea ay irritants at dapat lamang inumin occasionally.
* * *
Kung kayo ay may mga katanungan kay Dr. Elicaño, sumulat lamang sa Pilipino Star NGAYON, Roberto Oca cor. Railroad St. Port Area, Manila.

DR. ELICA

INIREREKOMENDA

IPINAPAYO

ITINUTURONG

PILIPINO STAR

PROSTATE

RAILROAD ST. PORT AREA

ROBERTO OCA

VITAMIN E

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with