^

PSN Opinyon

Kaya bang banggain ni Alex si Imbudo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
DAPAT lang imbestigahan ni Interior Secretary Joey Lina si alyas Alex na gumagamit ng pangalan niya para ikolekta ang opisina niya ng lingguhang intelihensiya sa mga gambling lords sa buong bansa. Kung hindi kikilos si Lina, tiyak magkakaroon ng hinala ang sambayanan na talagang wala siyang balak na ipasara ang jueteng sa bansa tulad ng ipinangako niya noong nakaraang taon na hindi naman niya sinunod. At ano ang karapatan ni Lina na magsampa ng kasong unexplained wealth sa Ombudsman laban kay Ltsg Antonio Trillanes IV dahil sa hindi nito pag-file ng statement of assets and liabilities (SAL) sa loob ng dalawang taon kung siya mismo ay may uling din sa mukha? Di ba ang tawag sa ginagawa ni Alex ay graft and corruption din, Sec. Lina, Sir?

Dapat siguro magsalamin muna si Lina para masigurado niyang malinis ang pagkatao niya bago siya mag-akusa sa iba? He-he-he! Pakapalan lang ng mukha ’yan. Sinabi ng mga miyembro ng Manila’s Finest na nakausap ko na masigasig si Alex na mang-raid ng puwesto nina Oscar Simbulan at alyas Boy Abang at Buboy Go, ang mga hari ng bookies ng karera at video-karera sa Maynila, nitong nakaraang mga buwan subalit yaon pala ay Oplan Pagpakilala lamang. Anila, hindi umano sila makakilos laban kina Boy Abang at Buboy Go dahil lagot sila sa kanilang opisyal na binansagan nilang Imbudo. Hindi dapat si Chief Supt. Pedro Bulaong, ang hepe ng WPD, ang sisihin sa naglilipanang pa-bookies at video-karera sa Maynila kundi si Imbudo. Kilala kaya ni Bulaong si Imbudo? Tanong ng mga nakausap kong Manila’s Finest.

At dahil si Alex na nga ang nagmamaniobra ng intelihensiya ng opisina ni Lina, aba tahimik na ang ilegal na negosyo nina Boy Abang at Buboy Go. Kung noon kaliwa’t kanan ang isinagawang raid ng Jericho sa mga puwesto nina Boy Abang at Buboy Go nitong pumasok na sa eksena si Alex eh wala nang aberya sila. Nagkasundo na kaya sa presyo sina Alex at Boy Abang at Buboy Go? May kasagutan diyan si Atty. Morga, anang taga-Manila’s Finest, he-he-he! Sumingaw na naman ang nakatagong baho ng opisina ni Lina, di ba mga suki?

Kilalang masyado ng Manila’s Finest si Alex. Anila, may pinagsamahan sila rito at mabango siya kay dating Manila Mayor Alfredo Lim. Kaya pala lumayas sa Maynila si Alex dahil markado siya ng kampo ng kasalukuyang Mayor na si Lito Atienza, na trapik ang inuuna imbes na pasugalan nina Boy Abang at Buboy Go. Kaya lang may puna itong mga Manila’s Finest kay Alex na laman umano ng casino. Aba, baka miyembro ng bumbero si Alex ha, Atty. Morga Sir?

Nag-umpisa nang magpakilala si Alex sa Central Luzon at sa tingin ng taga-Manila’s Finest, iikutin nito ang buong Luzon bago bumaba sa Kamaynilaan. Pero ngayon pa lang, umuugong na ang pangalan ni Alex sa kampo ng mga gambling lords na nanginginig na sa takot lalo na sina Boy Abang at Buboy Go.

Kaya bang banggain ni Alex si Imbudo? Tanong uli ng taga-Manila’s Finest. Pag nagkataon, mabubuhay na muli ang awayan nina dating Mayor Lim at Atienza, he-he-he! Tutal malapit na ang eleksiyon, di ba mga suki? Sanay na ang mga taga-Maynila sa sarsuwela.

ABANG

ALEX

ANILA

BOY ABANG

BUBOY GO

IMBUDO

KAYA

MANILA

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with