Mga kotseng pilipit sa Subic at Batangas
August 14, 2003 | 12:00am
SANGKATUTAK na imported luxury vehicles ang pumapasok sa Subic at Batangas Customs house na pilipit daw ang mga dokumento.
Hindi biro ito kung totoo? Take note, Customs Commissioner Antonio Bernardo, Your Honor.
Ang mga pinapasok na mamahaling sasakyan ng grupo ni Ric Water ay Mercedes Benz, BMW, Porche, etcetera... Sinasabing ang iba sa mga ito ay mga carnap vehicles. TMG bossing Danilo Mangila, paki-double check ang mga ito.
Ipinagmamalaki ni Ric Water na kayang-kaya niya at hindi siya puwedeng salingin ng mga taga-TMG, LTO at maging sa Bureau of Customs dahil kumpleto raw ang pantapal niya sa kanyang operations?
Kayang-kayang irehistro ito ng grupo ni Ric Water kahit na magkatubig-tubig ang dokumento ng kotseng ipinupuslit nila dahil may pantapal sila sa mukha ng mga taong haharang sa kanilang kagaguhan.
Alam kaya ito ni Atty. Balete, bossing ng warrant section ng Customs?
Maraming tao raw ang nakikinabang sa grupo ni Ric Water dahil kaya niyang tapatan ng pitsa ang manggugulo sa kanyang illegal operations.
Tinarantado ni Ric Water ang gobyerno dahil katiting lang ang ibinabayad niya sa buwis oras na maglabas siya ng luxury cars.
"Bakit malakas ang loob ni Ric Water?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
"May padrino kasing mga kamote ito sa Customs, LTO at TMG," anang kuwagong haliparot.
"Alam ba ito ni Bernardo at Mangila?"
"Sa palagay ko hindi dahil may paglalagyan ito kapag nagkataon."
"Kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO si Mangila, hindi ito kumukunsinti ng mga gago tulad ni Ric Water," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Makarating kaya kay Mangila at Bernardo ang isyung ito?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Sigurado dahil ang mga kuwago ng ORA MISMO ang tatawag kay Mangila at Bernardo para hulihin si Ric Water."
"Iyan ang abangan natin, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest