Lifestyle check, wow
August 14, 2003 | 12:00am
INIUTOS ni Señorita Gloria na magkaroon ng lifestyle check sa mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Ganoon din ang inutos niya kamakailan sa iba pang mga opisyal ng kanyang administrasyon.
Gaya nang naunang announcement, public pronouncement na naman ang ginawa niya rito sa huling lifestyle check. Ginawa niya ang huling utos sa National Defense College kung saan marami ang nakakarinig at maraming sipsip ang nagpapalakpakan.
Madam Señorita Doña Gloria (may mga alipores kasi siya na nagagalit at bakit daw Señorita tawag ko sa kanya, bastos daw yon at walang paggalang) tiyak ang layunin nyo ay maging dagdag na paraan ito para matulungan ang ekonomiya at kabuhayan ng bayan.
Isipin nyo, sa ginawa ni Madam Señorita Doña Gloria (hayan super galang na po ako ha), maraming mga abandonadong apartment o bahay na walang umuupa ang ngayoy mapupuno na ng mga matataas na opisyal na tiyak ay nagmamadali ng lumipat mula sa kanilang mga mala-Palasyong bahay.
Yung mga iniwan pansamantala na Palasyo ay patitirhan muna sa mga biglang yumamang magulang, kapatid, kamag-anak at kasabwat o kakutsaba.
Di lang nila puwedeng iwanang walang nakatira kasi baka mataniman ng arm band ng Magdalo o di kaya mga baril at bala. There is no more honor among thieves. Tandaan nyo, ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw, lalo na kung karibal hindi lang sa puwesto kundi maging sa mga GRO.
Mga Expedition, Land Cruiser, Pajero, Benz, BMW, Volvo at kung anu-ano pang magagarang sasakyan naman ay pansamantalang ipatatago rin sa mga mayamang magulang, kapatid, kamag-anak at mga kasabwat sa pangungurakot na mga supplier, contractor, financier at smuggler, puwera lang ang mga drug lord at jueteng lord kasi mainit sila ngayon.
Kikita rin ang mga dealer ng second hand car, tiyak mabili ngayon ang mga lumang Toyota, Nissan, Mitsubishi, Honda at iba pa.
Mga Kumander, tiis lang ng konti, pag may bagong issue na, lalamig din yan at balik kayo sa komportableng sasakyan. Kung gusto nyo naman, mga lumang van ang pabili nyo, sa dami naman na naghirap sa ekonomiya ni Madam Señorita Doña Gloria, maraming second hand pero slightly used niyan.
Kung hindi naman, yung mga na-recover na carnap vehicle, gamitin nyo muna, tutal dati nyo nang ginagawa yan.
Kita nyo na, ang galing talaga ni Madam Señorita Doña Gloria dadami ngayon ang makikinabang sa mga nakaw na yaman. Kesa yung mga alipores lang ni Madam Señorita Doña Gloria ang nabubuhay ng masarap at marangya, kahit konti ay maaanggihan ang iba. Kita nyo, Spread the Sunshine.
Tsaka kabutihan pa nito, matutuwa rin ang Cardinal Sin, dati kasi mga GRO, Classmates, Best Friend, Student at Trainee lang ang nakikinabang, ngayon nadaragdagan pa. Bakit nga naman hindi unahin ang sariling kamag-anak? Charity begins at home.
Yung mga kamag-anak at kababayan pang galing sa probinsiya ay palilipatin din sa Maynila, gagawing katiwala ng mga mansion, kita nyo may trabaho pa na nagawa. Yun namang ayaw magtagal sa Maynila, puwedeng lumuwas at mamalagi lang ng ilang buwan habang mainit pa ang taumbayan. Kita nyo promoted pa ang domestic tourism. Huwag maging dayuhan sa sariling bayan.
Pero ang pinakamaganda ay maglalabasan ang pera sa bangko at ililipat, baka kasi makita ang mga bank account at ibang dollar account pa.
Tataas din ang presyo ng vault at lalaki ang benta, sayang nga lang at walang local. Sa kanya-kanyang bahay na lang magtatago ng nakaw na yaman o kayay sa sariling opisina, gaya ni Ginoong Bigtime na nagpabili ng vault na six feet tall. Daming perang kasya.
Ganoon kalaking vault din ang kailangan ng isang mambabatas galing sa Mindanao na ang mga mansion ay nagkalat sa Baguio, Tagaytay, Batangas, Makati, Mindanao at puwera pa ang mga condominium unit sa Maynila at Makati. Ang deposito niyang kailangang ilipat o baka nalipat na dahil tiyak nasabihan ng Malacañang kasi super SIPSIP siya, ay may lamang mga P500 milyon.
Okay hindi ba, pero may konting pakiusap ang alipin nyong ito Madam Señorita Doña Gloria kung inyong mamarapatin (galang ko na po ha) sana lang po ay lahat nang aalis sa airport ay inspeksyunin ng husto ang bag, kahit ho pamilya nyo. Takot lang natin baka dumami ang MAHIWAGANG BAG at ang matuwa ay Hong Kong.
Sabagay sa Hong Kong baka matuwa ang mga domestic helper (botante na yata sila kaya dapat alagaan) natin kasi ang iba sa kanila ay naaabutan ng barya para mag-picket sa kalaban nina Ginoong Big Time lalo na kung kasama niya si Vicky. Sweet sweet nga nila, pero ibang kuwento yan, abangan nyo at malapit na.
Kaya hayan, ano bilib na kayo, uunlad ang ekonomiya natin at gaganda ang kabuhayan nila. Yehey!!!
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kayay mag-text o tumawag sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended