Ano ang gagawin sa Pag-IBIG contributions?

Dear Sec. Mike Defensor

Dati akong empleyado ng isang kompanya na may kinalaman sa computer engineering sa Makati. Ako ay isang Pag-IBIG member at may contributions mula May 1984 hanggang June 1988. Naging OFW ako sa Jeddah, Saudi Arabia mula July 1988 hanggang December 1992.

Gusto ko sanang malaman kung ano ang maaari kong gawin sa mga naging contributions ko? Maari ko ba itong i-refund? Saang Pag-IBIG Office ako maaaring magsadya para sa detalye at sa iba ko pang katanungan? –Manuel V. Rosal


Base sa aming record, ikaw ay may contributions sa Pag-IBIG Fund simula May 1984 hanggang July 1988 at ito ay inyong ipinagpatuloy ng July 2003.

Sa iyong katanungan kung ano ang maaaring gawin sa mga naging contributions, ito ay maaari mong ipagpatuloy para maging active member. Bilang active member maari kang makapag-avail ng mga pribelihiyo gaya ng pag-apply ng housing o multi-purpose loan. Kung hindi mo ito ipagpapatuloy, ang iyong status ay inactive at kung gusto mo mang mag-loan ay kailangang ma-reactivate ang iyong membership at ang iyong contributions ay patuloy na kikita ng dibidendo taun-taon.

Sa iyong katanungan kung maaaring i-withdraw ang kontributions, iminumungkahi kong makipag-ugnayan o bumisita ka sa Marketing Division ng Pag-IBIG sa Rm. 118, Ground Floor ng Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City o tumawag sa 811-40-14, upang maging malinaw ang pagpapaliwanag sa iyong kaso. May mga guidelines tayong ipinapatupad tungkol sa withdrawal ng contributions at mas malilinawan ka sa detalyadong pagpapaliwanag sa iyo. Sec. Mike Defensor

Show comments