^

PSN Opinyon

Tutukan ang hinaing ng mga sundalo

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MALI ang ginawang pamamaraan ng mga sundalong nag-mutiny. Hindi sila dapat gumamit ng mga armas na ninakaw nila diumano sa mga arsenal. Hindi rin nila dapat nilansi ang mga sundalong isinama nila sa pag-aaklas. Subalit may dapat pansinin ang pamahalaan sa hinaing ng mga sundalo. Ito ay ang akusasyon laban kina Defense Sec. Angelo Reyes, AFP Intelligence chief Victor Corpus at PNP chief Hermogenes Ebdane Jr.

Matindi ang binitiwang akusasyon ng mga sundalo. Nagbebenta raw ng mga armas ang matataas na opisyal ng military sa MILF, Abu Sayyaf at NPA. Nasa likod daw ng pagbobomba sa Mindanao sina Reyes at Corpus. Malawak na raw ang katiwalian sa military na kinasasangkutan ng mga matataas na pinuno ng AFP. Dahil dito, napapabayaan ang mga sundalong nasa ilalim nila.

Hindi dapat ipagwalambahala ng pamahalaan ang mga reklamo. Matagal nang nananaig sa military ang graft and corruption at iba pang kasamaan na noon pa man ay naibulgar na.

Tutukan ito ng pamahalaang Arroyo dahil may basehan naman. Bull shit lamang na sabihin na walang ebidensiya ang mga nag-aklas. Sa mga senador at congressmen, huwag na kayong makialam pa sapagkat lalo lang gugulo ang kaso.

ABU SAYYAF

ANGELO REYES

DAHIL

DEFENSE SEC

HERMOGENES EBDANE JR.

MALAWAK

MATAGAL

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with