^

PSN Opinyon

Ganda ng Morato

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAKAKATUWA nang mapagawi ang mga kuwago ng ORA MISMO sa Tomas Morato St., Quezon City, kamakalawa ng hapon, porke ngayon lang nila nakita ang malaking pagbabago rito.

May bangketa na puwedeng lakaran ang mga tao na hindi nagawa noong mga nakalipas na taon.

Matindi sa gabi, mas malapit sa disgrasya ang mga taong nagre-relax at kumakain sa nasabing lugar.

Puro kasi kotse ang nakaparada sa bangketa kaya ang mga taong pumupunta rito ay sa kalye naglalakad.

Ika nga, prone sa hit-and-run para makamote!

May mga gusali ring umukupa ng bangketa, kinain nila ang lugar para lumaki ito.

Ika nga, nag-encroach!

Pinaayos ni QC Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte ang nasabing lugar para guminhawa at maligtas sa tiyak na kapahamakan ang mga kababayan nating gustong gumala at magpalipas ng oras sa mga masasarap na restaurant.

Halos ganito rin ang ginawa ni Manila City Mayor Lito Atienza sa kanyang teritoryo, ang pagandahin ang Maynila.

Magiging panatag ang loob ng mga taga-Quezon City ngayon dahil sa mga proyekto ni Belmonte.

Ang dating medyo may kaguluhang lugar sa dami ng war freak na nakaistambay ay nawala na kasi maraming pigoy ang nagkalat para bigyan nila ng proteksyon ang mga nagpapalamig sa QC.

"Ibang klase ang Morato ngayon kapag napuntahan mo, kamote," anang kuwagong magtataho.

"Bakit, gumanda ba?" tanong ng kuwagong urot.

"Tingnan mo na lang at saka mo ako kausapin," angil na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ma-trapik daw sobra."

"Saan sa EDSA?"

"Hindi sa Morato."

"Kamote ka talaga, alangan namang gumanda ang isang lugar kung hindi mo gagawin."

"Kaya ba traffic?"

"Siyempre, kaya kalma ka lang. Kapag natapos ang proyekto ni Mayor, saka ka magsalita."

"Bakit?"

"Hanep ito sa ganda."

"Iyan ang abangan natin, kamote."

BAKIT

BELMONTE

IKA

MANILA CITY MAYOR LITO ATIENZA

MAYOR FELICIANO

MORATO

QUEZON CITY

TOMAS MORATO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with