"Reform Alarmist Movement" (bagong RAM)
August 11, 2003 | 12:00am
DAPAT BUSALAN ANG BUNGANGA NI EX-ISAFP CHIEF BRIGADIER GENERAL VICTOR CORPUS. DAHIL HABANG ITO AY PINABABAYAANG MAGSALITA NANG MAGSALITA, LALONG NABUBUO ANG PANIWALA NG ATING MAMAMAYAN NA HINDI SI PGMA ANG NAGPAPATAKBO NG ATING BAYAN. NAKA-UGAT LAMANG SI PGMA SA MILITARY AT PNP.
Talagang hindi ko maintindihan ang gustong mangyari ni General Corpus.
Bakit masyado niyang tinatakot si PGMA at ang Sambayanang Pilipino?
Anong motibo nya para sabihin niya sa publiko, dalawang (2) linggo matapos ang nabigong KUDETA, na kundi dahil sa kanya ay malamang na bumagsak na ang Pamahalaang Arroyo! Isiniwalat din niya na ang estimated participants sa KUDETA ay mahigit dalawang libong Rebeldeng Sundalo. Humigit-kumulang sa isanglibo diumano dito ay ang bumubuo sa grupong nagtangkang kumubkob sa Sangley Naval Base sa Cavite, kung saan dalawang warships at mga eroplanong pandigma ang plinanong agawin para gamitin upang mapabagsak ang pamahalaang Arroyo. Itong mga bombers na ito ay ang mission ang bombahin ang Malacañang, si PGMA ang puntirya, pati narin ang mga navy warships at pagkatapos ay lulusubin ang palasyo ng 1,000 sundalo. Wow, ang layo ng takbo ng isip ni General Corpus.
NAKAKATAKOT ANG IKINUWENTO ni Corpus sa publiko. Hindi na rin ako nagulat nang may balitang madalas daw "mag-loyalty" check si PGMA sa mga dinners na hino-host niya para sa mga pulis at militar. Ang huli ay ang mga miembro ng Batch `90 ng PMA. Hindi rin ako magugulat kung si PGMA at ang kanyang pamilya, dahil na rin sa pang-aalarma ni Corpus ay huwag munang mag-opisina sa Malacañang at hindi ibunyag kung nasaan siya. Gawin na lang niyang through telecommunication na lang ang pagpapatakbo sa ating bayan. Eh, nanakot itong alarmistang dating Isafp chief na ito.
General Corpus, you have come a long way. Mula nung kapanahunan namin na nag-aaral pa lang kami sa Kolehiyo, pinabilib mo na kami sa iyong bold and daring move na umalis sa PMA, lusubin ang armory na ito at namundok. You were very silent then and youre demeanor, mysterious. Anong nangyari sa iyo ngayon? Is it age catching up with you? At that time, the mere mention of the name "Victor Corpus" was said in a tone a little louder than a whisper. Eh, ngayon, tila sa palaging nakakasama mo si Rosebud hindi na "not louder than a whisper" ang pagbigkas sa pangalan mo. Whisper with wings na ngayon, yata! Cmon, General Corpus, give us a break. Huwag mo namang isambulat sa buong mundo ang "what could have happened." Wala naman kaming knowledge dyan sa mga sinasabi mo. Ang alam namin 300 Rebeldeng Sundalo lamang ang talagang nasaksihan nating nag-participate sa Oakwood Hotel siege. Kaya ang tanong, nasaan pa ang ibang mga Rebeldeng Sundalo? Isang napaka-iresponsableng deklarasyon mula sa isang mataas na opisyal ng militar na katulad mo, General Corpus.
Hindi pa tapos si General Corpus, Noong makalawa lamang, nailathala rin sa isang tabloid na sinabi umano ni General Corpus na pagnawala si Secretary Angelo Reyes sa administrasyong Arroyo, hihina ang pundasyon nito at baka tuluyang bumagsak. What does that make of the president? Nung panahon ni Presidente Corazon Aquino, hindi nakalilipas ang isang taon, then Secretary of Defense Juan Ponce Enrile ang P/Aquino had a falling-out. Sinibak si Enrile sa DND! Pumapel si Chief of Staff Fidel V. Ramos. He (Ramos) remained loyal to the president and stayed on the side of the constitution. Hindi ba kayang gawin ni PGMA yan? Is DND Secretary Angelo Reyes so indispensable? Hindi siguro. General Corpus, ang isa sa mga ideal qualities ng successful and effective Intelligence Operative ay ang kanyang pagiging SILENT OPERATOR. Bakit ba ikaw ang naging sobrang daldal at tsismoso?
Si Sec. Reyes can fight his own battle and climb his own mountain. He is old enough and capable enough to do so. Hindi na niya kailangan ang ayuda mo.
Tungkol dito naman sa kahilingan na sibakin si Sec. Reyes, tama rin naman itong taong ito. If the mutineers have the evidence, come out in the open and file it court. Or else shut up. It is that simple. Put up or shut up!
PGMA, sa sinabi mo rin na kailangan mo si Sec. Reyes sa iyong administrasyon, inapuyan mo lang Mrs. President, ang perception ng tao na you are not really in FULL CONTROL. Salamat na rin sa mga alarmistang military men na tulad ni Gen. Corpus, pinagtitibay mo lang PGMA na hindi tatayo ang inyong administrasyon kung wala ang mga ito. Get the monkeys off your back and show to the nation what a Strong Republic is all about, with you on center stage!
Bilib na bilib na sana ako kay Corpus nang mag-resign siya. Akala ko ay mananahimik na muna siya. Nag-grand standing lang pala ito. Ang lahat ng sinasabi mo General Corpus ay ayon sa iyo. Kung totoo man ito, dapat bang sabihin pa sa sambayanan o sa mga dayuhang gustong mag-invest (kung meron pa, ha?)? Hindi kaya matakot silang lahat? Baka ikaw mismo matakot sa mga sinasabi mo.
Ito namang si Lt. General Rodolfo Garcia, ang Vice-Chief of Staff ng ating Sandatahang Lakas (AFP), panay din ang harap sa Media para magbigay ng updates tungkol sa nangyaring KUDETA. He was very articulate and convincing, kaya lang, kahit ano ang kanyang sabihin andyan pa rin yung mensaheng nagbibigay kaba at agam-agam sa publiko dahil hindi pa rin niya tinapos ang usaping KUDETA!
Kaya tuloy binabansagan din siya ng mangilan-ngilan nating kababayan na nagpapadala ng kanilang mga reaction sa ating kolum, na isa rin siyang ALARMIST. Pero sa akin namang palagay, ginagawa lamang niya ang kanyang katungkulan para mabawasan o ma-neutralize, as a damage control effort, ang mga masasamang pananaw o perception sa ating Sandatahang Lakas (AFP) at Department of National Defense(DND). Nais ko lang magbigay ng isang unsolicited advice kay General Garcia. Kunin ninyong Adviser si Professor Lim dahil napakaganda at napakalawak ng kanyang pananaw sa mga nangyayaring Military Adventurisms. Malamang na magagandang solusyon ang kanyang maipapayo sa ating pamahalaan.
Napapanahon na siguro para ipakita ni PGMA na talagang tapos na ang kaguluhan at kung may aksiyon man na dapat siyang agarang gampanan na may kinalaman sa KUDETA, unahin muna nya ang mga lehitimong reklamo ng mga Mutineers. ANG UNANG HAKBANG, IBABA NA ANG DEKLARASYON NA STATE OF REBELLION. TUTAL, HINDI RIN SILA MAGKAISA KUNG MERON NGANG GANITONG POWERS ANG PRESIDENTE. IBA-IBA ANG SINASABI NG MGA TAONG MAY KATUNGKULAN.
PARA SA INYONG REACTIONS O COMMENTS, MAAARI KAYONG TUMAWAG SA TELEPONO 7788442, MAAARI RIN KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am