Laban sa terorismo
August 9, 2003 | 12:00am
MAY panibagong banta ng terorismo sa bansa. Ito ngayon ang mabahong utot na umaalingasaw sa mga balitang pinag-tsitsismisan sa barberya.
Kaya naman nangangatal sa takot ang ilang investors sa atin kaya gusto nilang umiskapo ng Pinas hindi para gayahin si Al-Ghozi kundi ang lumipat sa ibang lugar na hindi sila kakaba-kaba.
Ika nga, para kumita ng maganda ang pera puhunan nila sa mabuting paraan.
Pero sa NAIA, nakahanda ang buong puwersa ni incoming PNP-General Andres Caro II, bossing ng Police Center for Aviation Services, sa lahat ng uri ng panganib. Take note, MIAA General Manager Ed Manda, Sir.
May tatlong brand new sophisticated scanning machines ang nakatakdang dumating sa bansa para gamitin sa NAIA.
Ang kakayahan ng mga makinang ito ay mag-scan ng singaw mula sa lahat ng uri ng explosives at droga na ipupuslit papasok at palabas ng Pinas.
Madaling ma-detect ang droga at explosives sa pamamagitan lang ng pagpunas ng isang cloth swab sa lugar ng pagtataguan ng mga epektos.
Ang mga nasabing machines ay ilalagay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, Centennial Terminal 2 at Manila Domestic Terminal.
Idadagdag pala ito para makatulong sa basic x-ray at bag screening machines sat metal walk-through detectors na kasalukuyan nang ginagamit sa mga nasabing paliparan.
Gusto rin ni Caro, na magkaroon sila ng mga bagong K-9 dogs dahil makakatulong ito ng malaki sa kanilang operasyon.
May sampung K-9 dogs ang PCAS anim sa mga ito ang aktibong nagagamit sa kanilang operasyon samantala ang apat ay matanda na.
Ang wish pala ni Caro ay magkaroon sila ng mga makabagong kagamitan para labanan ang lahat ng uri ng panganib na gustong maghasik ng kaguluhan sa mga paliparan sa Pinas, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Iyon naman pala bakit ayaw gawin ito? tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
May malaking problem kulang kasi sa pondo ang gobyerno.
Dapat pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan ang problema.
Iyan ang dapat, kamote, sagot ng kuwagong Kotong cop.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am