Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Ltsg. Antonio Trillanes IV, Elmer "Bong" Labog ng KMU; Gie Catanyag ng Tanauan, Batangas; Monette Aviles ng Puerto Princesa; VW Elson Tayko at Bro. Tom Bautista.
Ayon sa aking bubuwit, super hilig talaga si Congressman sapagkat kung makipag-date ay hindi kuntento sa iisang chiching.
Isa o dalawang beses sa isang linggo kung makipag-date sa mga magaganda at seksing pokpok si Congressman. Siya ay meron palang "katayan" o condominium unit sa Quezon City. Doon niya dinadala ang mga ka-date na chiching.
At siya ay merong mga suking prosti.
Gamay na raw at may bonding na si Congressman sa tatlong prosti kaya ang mga ito ang regular niyang ka-date.
Hanep ka, Congressman. Ang tindi mo naman!
Paano niya kaya ginagawa yon? Nagtatrabaho kaya siya o siya na lamang ang tinatrabaho?
Ayon sa aking bubuwit, ang suking prosti ni Congressman ay kinabibilangan ng dalawang morena at isang tisay. Paga-daisy nuebe anyos hanggang betty uno anyos ang edad at ang mga ito ay estudyante.
Yung isang chiching ay estudyante sa University of the East, Manila. Yung isa ay sa AMA Computer College at yung isa naman ay sa Perpetual College.
Siya ay mula sa kilalang pamilya ng mga pulitiko.
Ang kanyang ama ay dati ring pulitiko na kilala ring tsikboy. Ang nasabing kongresista ay walang iba kundi si Congressman... Binata pa siya.
Siya ay taga-Luzon. Siya ay si Congressman A.B. as in Ang Babaero.