^

PSN Opinyon

Manpower,numero unong 'export product' ng Pilipinas

- Al G. Pedroche -
SI Igme’y isa lang sa maraming nag-aambisyong makapagtrabaho sa ibang bansa. Aniya, ang kakayurin niya nang isang taon sa bansa ay isang buwan lang niyang pagpapawisan sa abroad. Maraming Pinoy ang may ganyang attitude. Hindi natin sila masisisi dahil kapos sa quality jobs sa sarili nilang bansa. Dahil diyan, ang numero unong "kalakal" na panluwas ng Pilipinas ay manpower. Sa kabuuan, ang bansa’y umaani ng $8 bilyon taun-taon mula sa ating mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ngunit papaano naman yung mga umaasa lang sa lokal na employment na hangga ngayo’y di makakita ng trabaho? Ayon kay Labor Secretary Patricia Santo Tomas, nagsisikap naman ang Arroyo administration para maipuwesto sa trabaho ang mga kababayan natin sa pamahalaan man, pribadong sektor o sa ibang bansa. Dangan nga lamang, aniya – lubhang tumaas ang bilang ng mga obrero sa bansa na ngayo’y nasa 33.93 milyon na. Nangangahulugan na dumoble rin ang pagsisikap ng gobyerno para makatugon sa lumalaking labor force ng bansa.

Aniya, kung overseas employment ang pag-uusapan, sa kabila ng sigalot sa Iraq at ang pananalasa ng sakit na SARS, matatawag nating impressive ang nagawa ng Department of Labor and Employment sa pagkakaloob ng empleyo sa mga Pinoy nitong nakalipas na anim na buwan.

Sa loob ng semestreng ito, nakapagsara ang DOLE ng 24 na bilateral agreements sa ibang bansa para sa kapakanan at proteksyon ng mga OFWs.

Dagdag ni Sto. Tomas, ito’y puntos sa pakikibaka ng gobyerno laban sa unemployment alinsunod sa inihayag ng commitment ni Presidente Arroyo sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ani Sto. Tomas. Tinuran niya ang pagkakatatag ng DOLE ng mga Kabuhayan 2003 Action Centers na tumutulong sa milyun-milyong kababayan nating naghahanap ng trabaho.

Sana, dumating ang panahon na hindi na kailangang lumisan ng bansa ang isang obrero para kumita ng mas malaki dahil sa sarili nating bayan ay matutumbasan na ng mga employer ang sahod na kikitain ng isang manggagawa sa ibang bansa.

ACTION CENTERS

ANIYA

BANSA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR SECRETARY PATRICIA SANTO TOMAS

MARAMING PINOY

PRESIDENTE ARROYO

STATE OF THE NATION ADDRESS

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with