^

PSN Opinyon

Pangulong Gloria,liar or sincere?

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAGKALAT ang mga streamers sa ka-Maynilaan na hinihikayat kuno si Señorita Gloria na tumakbo bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nagdeklara na nga si Señorita na hindi siya tatakbo pero ang mga alipores niya na maraming mga kasalanan o di kaya’y hindi pa busog sa nakurakot ay hinihiling na bumaligtad siya sa kanyang sinabi.

Nang humarap naman siya sa media kelan lang ay nagtaray ang Señorita at magwo-walkout daw pag tinanong siya tungkol sa plano niya sa 2004. Pasyal pa nang pasyal na parang nangangampanya at narinig pa natin si Labor Secretary Pat Sto. Tomas na  nagkukuwento na tutuloy nga sa 2004 dahil sa Septyembre raw o kaya’y Oktubre ay tutulak pa papuntang Saudi Arabia at pagkatapos sa Italy ang Señorita.

Marami nga namang mga overseas workers na makaboboto na sa dalawang bansang yon. Mahigit isang milyon.

Ang paborito niya namang si dating Sec. Nani Perez ay sinabi ring tatakbo siya at nang hineadline ng PHILIPPINE STAR ay pinalabas na sinungaling ang reporter.  Muntik tuloy maipit ang reporter buti na lang na-record ang sinabi ni million dollar man.

Si Mt. Diwalwal HeherSAN Alvarez at ang cheerleader  na si Wow Philippines Dick Gordon ay nakisali rin at sinabing pinatatakbo raw ni President Bush at Korean President si Señorita.

Ang iniisip lang ng ibang mga pinuno ay kapakanan nila, di sila nakikialam at isa lang ang kanilang pakay at yan ay ang sipsipin ang kung ano mang natitira pang natural resources at kayamanan ng bayan natin.

Ngayon ay niluto, ay mali, sinasabi pala ni Mahar Mangahas ng SWS na no. 1 na sa survey ang Señorita.  Sipsip at tsutsuwa naman ang kanyang economic team na nagsasabing umunlad daw ang buhay NILA! at gumaganda raw ang takbo ng KANILANG ekonomiya. 

Siya mismo sa kanyang SONA ay pinagmalaki na hindi tumataas ang presyo ng bilihin, kabaligtaran  ang mga kuwento ng mga Misis. Mali raw ang mga presyong binigay ni Trade and Industry Secretary Mar Roxas na para bang marunong maglakad sa palengke, baka kahit sa Farmer’s hindi pa siya nakakapasok dahil hindi dapat mabasa ng tubig na pinaghugasan ng isda ang Bally mong sapatos.

Lahat ng mga binanggit ko at iba pang mga kilos ay nagmimistulang script sa isang drama para palabasing NAPILITAN lang at KAHILINGAN ng taumbayan ang tuluyang pagtakbo ni Señorita.

Ang tanong tuloy ngayon ay hindi na kung tatakbo siya o hindi? Dahil tiyak na ang pagtakbo niya.

Ang tanong, niloko ba tayo, binola lang ba, sinungaling ba siya o sinsero ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng sabihin niyang di na siya kakandidato at aayusin na lang ang suliranin ng bayan?  Biktima ba tayo kagaya ni Ltsg. Antonio Trillanes na ang tawag sa kanya, TRAYDOR!
* * *
Sa pamumuno ni Michael Kho, appointee ni Gordon, kumita na ang Duty Free ng isang bilyong piso.  Nababayaran na unti unti ang malaking utang at nanunumbalik na ang tiwala ng foreign companies.

Saludo tayo  diyan  pero ito ang  masama, di pa nakaaahon ng tuluyan ang Duty Free Philippines sa sunud-sunod na dagok na inabot, kasama na ang pagtaas ng dolyar  kontra piso, ay gusto na namang gatasan nitong grupo ni Ninong Greg at ng kanyang inaanak na si Fat Boy.

Si Ninong Greg ay kilalang smuggler ng mga sasakyang galing  sa Korea at panay ang sipsip  noon sa ngayong nakakulong  na si dating President Erap ay nakipagpartner sa inaanak niyang si Fat Boy na niluklok ng sapilitan sa gobyerno ay planong gawing gatasan at gamitin ang Duty Free Philippines.

Kung sinu-sino ang kinakausap ni Ninong Greg na mga supplier sa duty free at humihingi ng komisyon kung hindi raw ay pagugulo kay Fat Boy na gutom na gutom na rin.

Kung hindi naman komisyon ay nakikipag-usap sa ibang negosyante at inaalok ang kanyang serbisyo para makapag-supply ng kargamento sa Duty Free o  di kaya’y mga barkadang smuggler upang doon  idaan at pagpapalusot ng mga kontrabando gaya ng ginawa ni Don Lucio noon.

Dito masusubukan ang tapang ni  DOT Secretary  Richard kung kaya niyang banggain ang partnership ni  Fat Boy and Ninong Greg at huwag pigilan ang pag-asenso ng Duty Free.

Magandang laban ito, matira ang matibay. Malaking hamon kay Gordon.  WOW PHILIPPINES! O WOW  MALI!
* * *
Para sa ano mang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y magtext o  tumawag sa  09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

DUTY FREE

DUTY FREE PHILIPPINES

FAT BOY

LANG

NINONG GREG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with