Gaya ng droga, nakapipinsala rin ang alkohol sa katawan
August 6, 2003 | 12:00am
Nakatutok ang pansin ng lahat sa droga na ang epekto ay kahalintulad ng alkohol na lason sa kalusugan. Ang mga alcoholics ay parang drug addicts.
Ayon kay Dr. Rene Santos, ang alcoholism ay isa ring salot ng lipunan. Sinabi niya na ang pagkagumon sa alak ay isang stigma at ang mga sugapa ay itinuturing na social outcasts. Ipinaliwanag ni Dr. Santos na gaya ng drug addict, ang curiosity ang unang nag-uudyok para tumikim ng alak at habang tumatagal ay hinahanap-hanap hanggang sa maging bisyo na at tuluyan nang maging lasenggo at sugapa.
Ang mga alcoholics, ayon pa kay Dr. Santos, ay mga non-productive. Wala silang iniisip kundi ang bisyo nila. Wala silang siglang maghanapbuhay at maging energetic hanggang sa magkaroon sila ng depression at kalimitan ay nabubulid sila na gumawa ng masama kabilang na ang mga crime-related cases na common din sa mga drug users.
Nakalulungkot isipin na sa ngayon ay maagang natutong uminom ng alak ang mga kabataan na ayon kay Dr. Santos "once tasted always wanted".
Pinapayuhan ni Dr. Santos ang mga magulang at ang mga guardians na subaybayan ang mga kabataan upang huwag magumon sa alak. Subaybayan silang mabuti at nang maiwasan ang pagsisisi sa dakong huli.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest