^

PSN Opinyon

Programang pabahay para sa mga sundalo (Huli sa serye)

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG pangalawang programa ng gobyerno para sa mga sundalo ay ang pag-proklama ng mga ilang bahagi ng lupain ng AFP/Department of National Defense upang maging socialized housing sites para sa mga opisyal at kawani ng Hukbong Sandatahan. Mula nang maupo ang kasalukuyang administrasyon ay nakapagproklama na ng apat na lugar sa buong bansa, upang maging housing sites ng mga sundalo na may kabuuang lawak na 97.56 ektarya. May humigit kumulang na 12,826 na bahay ang maaaring itayo para sa mga kasapi ng AFP at sa kanilang pamilya. Dagdag dito, may 5,000 medium rise housing units na maitatayo sa NAMRIA property sa Taguig.

Sa kasalukuyan may 10 lugar pa sa buong Pilipinas ang aming pinoproseso upang maproklama bilang housing sites para sa mga sundalo at sa kanilang mga pamilya. Ang kabuuang lawak ng mga lugar na ito ay aabot sa 415 ektarya na maaaring matayuan ng humigit kumulang na 58,156 na kabahayan.

Sa ngayon ang mga ahensiya ng pabahay gaya ng Pag-IBIG, NHA at National Home Mortgage and Finance Corporation (NHMFC) ay naghahanda ng listahan ng mga unoccupied housing units na maaaring ibigay sa mga sundalo. Ang kabayaran sa mga bahay na ito ay maaaring utangin sa Pag-IBIG at huhulugan na lamang sa mababang halaga buwan-buwan.

Bago nangyari ang kaguluhan sa Oakwood, regular na ang pagpupulong at pagtutulungan ng HUDCC at ng AFP Housing Board upang isulong ang mga programang pabahay para sa mga kasapi ng AFP, karaniwang mga sundalo man o matataas na opisyal.

DAGDAG

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

HOUSING

HOUSING BOARD

HUKBONG SANDATAHAN

MULA

NATIONAL HOME MORTGAGE AND FINANCE CORPORATION

PAG

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with