Kaya naman naumpog si Tricia sa dashboard sa bigla naming pagkakalubak. Dumugo ang kanyang noo at kinailangan syang dalhin sa ospital.
Hindi sana nangyari ang aksidenteng yon kung may road sign na under repair ang kalyeng yon. Gusto kong managot ang mga kinauukulan sa negligence nilang ito.
Pero sino ang dapat kong panagutin? Bobby Dela Paz, Makati City
Depende. Maliwanag na ang kontraktor na nagre-repair ng kalsada ay dapat kasuhan ng civil at criminal charges dahil sa sugat na tinamo ni Tricia. Bukod pa dyan, maaari ring ihabla ang mga pabayang opisyales ng DPWH kung ang pangangasiwa ng nasabing repair ay nasa ilalim ng kanilang ahensya.
Bukod sa kontraktor na gumagawa ng road repair, ang local government unit na may kontrol at supervision sa road repair ay maari ring kasuhan at panagutin sa ilalim ng Article 2189 ng Civil Code kung saan nasasaad: Provinces, cities and municipalities shall be liable for damages, for the death of, or injuries suffered by, any person by reason of the defective conditions of roads, streets, bridges, public building and other public works under their control or supervision.
Kaya alamin mo, Bobby, kung anong kompanya at local government unit ang may hawak ng road repair sa kalsada kung saan kayo naaksidente. Sila ang dapat mong sampahan ng kaso.