^

PSN Opinyon

Anong ibig sabihin ng pagtatago ni Gringo, Sec. Lina

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY hawak talaga kayang ebidensiya si Interior Secretary Joey Lina na magtuturo na si Sen. Gringo Honasan ang utak ng mutiny ng mga sundalo sa Makati City noong Hulyo 27? ’Yan ang katanungang kumakalat sa ngayon sa iba’t ibang presinto ng Manila’s Finest na sa tingin ko ay sina Lina at Honasan lang ang may kasagutan. Hindi biro kasi ang akusasyon na ito ni Lina na pilit namang pinabulaanan ni Honasan. Pero sa huling balita kahapon mukhang nagtatago na si Honasan. Senyales kaya ’yan na guilty siya sa akusasyon ni Lina? Habang lumalalim ang isyu ukol sa mutiny ng mga sundalo, maraming katanungan ang sumusulpot na wala namang tiyak na kasagutan, he! he! he! Nagmukhang comedy na ang nangyari sa kaso at nakalimutan ang tunay na isyu, di ba mga suki?

Sa ginanap na Senate hearing, mukhang seryoso si Lina sa bintang niya kay Gringo. Sa tingin ko naman tama rin siya sa tinuran niya na hindi dapat sa Senado ilahad ang mga ebidensiya niya dahil mapi-preempt niya ang Korte. Mukhang nakakuha ng pogi points doon si Lina. Pero marami ang nagsasabi na mahaba pa ang labanang ito at hindi dapat magselebra kaagad si Lina at mga alipores niya.

Ayon naman sa Manila’s Finest na nakausap ko, mukhang publisidad lang ang habol ni Lina. ’Ika nga premature ang mga akusasyon niya kay Honasan at pinipilit lang niyang ituloy ang isyu para hindi siya mapahiya lalo na ang Malacañang. Hindi biro kasing patunayan ang sumbong niya laban kay Honasan, anila. Subalit sasakay at sasakay si Lina sa isyu para lang pumogi siya sa Palasyo dahil sa ugong na papalitan na siya sa puwesto niya. Kaya’t konting kayod pa Secretary Lina Sir at tiyak hindi ka matitinag diyan sa DILG at tuloy pa rin ang ligaya ng mga bataan mo, tulad ni Atty. Morga, He-he-he-he! Tumpak kaya ako mga suki?

May dahilan kasi ang Manila’s Finest kung bakit hindi sila naniniwala kay Lina dahil wala umano itong isang salita. Ang tinutukoy nila mga suki ay itong pangako ni Lina na mag-resign kapag hindi niya napasara ang jueteng sa bansa at sa loob ng isang taon. Sinunod ba niya ang pangako niya eh lampas na ang taning niya? Kung nagsinungaling siya noon, maaring sa isyu laban kay Honasan ay nagsinungaling rin siya, ayon sa nakausap kong mga pulis.

Pero hindi dapat ang Jericho ni Lina lang ang sisisihin kung bakit talamak na naman ang jueteng. Kasi nga ang mga regional at district directors, provincial, city at municipal police chiefs ay hindi rin gumagalaw laban sa jueteng. Kung susumain pala, ang liderato ni PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr., ang dapat managot sa illegal gambling. Baka naman takot lang si Ebdane kay Taba diyan sa Malacañang na ganid sa pera. Namumutla si Taba at ang kanyang mayabang na anak noong nag-alsa ang mga sundalo natin. Takot silang mawalan ng milyon na delihensiya, anang Manila’s Finest. Kaya’t habang abala ang lahat sa mutiny, aba naiwang humahalaklak sa bangko ang mga jueteng lords sa bansa. At pabor ’yan ke Taba. May karugtong.

GRINGO HONASAN

HERMOGENES EBDANE JR.

HONASAN

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

LINA

NIYA

PERO

TABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with