^

PSN Opinyon

Sangkatutak ang Commissioner sa MIAA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SANDAMAKMAK pala ang Commissioner daw diyan sa MIAA para bayaran ang P17,674,920.00 utang ng nasabing tanggapan sa lupang inangkin nito na pag-aari ng Dandan family.

Ang mga tinaguriang Commissioner ay iyong mga tinatawag na nangungu-MISYON sa may-ari ng lupang ginagamit ngayon ng MIAA bilang runway ng airport.

Ilang beses nang nagpadala ng demand letter sina Danilo A. Dandan at ang kinatawan nitong si Arnel Lorenzo para sa MIAA management na bayaran na sila sa lupang inangkin nang walang due process mula pa noong 1979.

Ang lupang sinasabi ay ang ginagamit na runway 06-24.

Noong July 15, 1997, ang tagapagmana ni Macario Dandan filed a claim na humihiling na bayaran sila sa mahigit na 8,000 metro kuwadradong lupa sa halagang P5,000 per square meters.

Pero sa resolution ng MIAA Board noong August 25, 1997, kailangan daw ay P2,000 per square meters lamang ang ibayad sa kanila.

Noong October 22, 1997, noong si Francisco Atayde ang MIAA general manager at ang tagapagmana ni Macario Dandan ay nagkasundo sa nasabing presyo.

Lahat ng mga legal documents na magpapatunay na sina Macario Dandan ang real owner ng nasabing property ay isinumite sa MIAA.

Ang problema, hanggang ngayon ay hindi pa ito binabayaran ng MIAA management kung anuman ang dahilan, iyan ang dapat nilang ipaliwanag.

May nagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO na marami raw kasing nanghihingi ng komisyon para mabilis na mailabas ang pera at mabayaran ang mga Dandan.

Kung gaano katotoo ito, iyan ang binuburiki ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Ayon sa impormasyon na ipinarating sa mga kuwago ng ORA MISMO, matagal na umanong pinondohan ang nasabing transaksyon.

Kung bakit nagkawindang-windang ang sistema, iyan ang aalamin ng mga kuwago ng ORA MISMO.

"May isa na palang tagapagmana ang namatay sa kahihintay na mabayaran sila at kahit papaano ay guminhawa ang kanilang buhay," anang kuwagong haliparot.

"Aanhin pa nila ang damo kung wala na ang kabayo?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kung ang perang sinasabi ay inilagay sa banko simula nang maayos ang transaksyon, siguro hindi lang P17 milyon ang babayaran ng MIAA sa interest," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Hanggang sa Malacañang ay humingi ng tulong ang mga naargabiyado pero mukhang wala yatang linaw ang nangyari?"

"Mahirap na tao raw ang mga Dandan, lupa lang ang tangi nilang yaman at ngayon ay ipinagkakait pa sa kanila."

"Wala silang kakayahan na magdemanda dahil hindi birong pitsa ang mauubos dito kapag nagkataon."

"Ano ang mabuti?"

"Huwag na nating hintayin ang panibagong kudeta ng mga Dandan, ibigay ang para sa kanila."

"Prez Gloria Macapagal-Arroyo, Your Excellency, ikaw na lang ang pag-asa ng mga Dandan."

"Sana tulungan mo ang mga inaapi, Mrs. Prez."

ARNEL LORENZO

DANDAN

DANILO A

FRANCISCO ATAYDE

MACARIO DANDAN

MIAA

MRS. PREZ

NOONG JULY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with