Maraming tanong sa SONA ni GMA ngayon. Gumanda na ba ang ekonomiya ng bansa? Umangat na ba ang buhay ng mga mahihirap? Marami ba ang nagkaroon ng hanapbuhay? Ano ang lagay ng peace and order? Ang kidnapping at terrorism? Nabawasan ba ang graft and corruption?
Milyong piso ang ginastos sa SONA. Nakapanghihinayang ang walang kakuwenta-kuwentang paglalaspag ng salapi na wala namang natamong kapakinabangan ang taumbayan.
Ang nakita kong bago sa SONA ay ang terno niya at ang mga magagarang damit ng mga kababaihang nagsidalo sa nasabing okasyon. Ang isa pang bago ay ang apo niyang si Mikaela.
Ewan ko kung sinadya o nadulas lamang si President Arroyo nang banggitn niyang marami pa raw siyang hindi pa natatapos gawin na nais niyang isakatuparan sa mga darating na panahon. Ito ang dahilan kung bakit marami ang nagsasabi na tatakbo siya sa 2004. Isa pa, katulad ng ginagawa ng mga kumakandidato, binati niya ang mamamayan sa Ilocano, Kapampangan, Ilonggo at Bisaya. May duda pa kaya kayo?