Ilang butil ng kaalaman

ALAM n’yo bang ang national bird ng New Zealand ay kiwi? Ang kiwi ang tanging ibon na hindi makalipad. Kasinglaki siya ng manok subalit malalaki ang itlog.

Alam n’yo bang matibay sa sakit ang itik kaysa manok. Malulusog sila at matatakaw. Suso at mga kuhol ang paborito nilang kainin na pinaniwalaang nagpaparami sa kanilang itlog. Masarap ang karne ng itik.

Alam n’yo bang hinahangaan sa buong daigdig ang spotted deer na matatagpuan sa Negros Occidental. Itinuturing itong endangered specie. May sukat mula 75 hanggang 80 centimeters, tumitimbang ang mga usang ito ng 200 kilograms. Napakasarap ng ‘‘venison’’ o karne ng usang ito.

Alam n’yo bang tree of life kung tagurian ang niyog. Mayaman sa bitamina at mineral ang buko juice na gamot din sa mga nadi-dehydrate, may kidney trouble at alta presyon. Ang langis ng niyog ay gamit sa panghihilot lalo na sa may pilay at rayuma. Sa India ang gata ng niyog ay gamot sa mga may tuberculosis. Gamot din ito sa ubo, disenterya at diabetes. Sa Indonesia, mabisa itong panggamot sa mga namamalat at may sore throat gayundin sa mga may syphillis at gonorrhea.

Alam n’yo bang isang health food at natural preservative ang asukal mula sa tubo (sugar cane). Napatunayan din na ang tubo ay may taglay na elemento at matapang na antiseptic na mabisang panlinis at mabilis magpahilom ng sugat.

Show comments