Nakiusap na po kami sa developer ng mga townhouses na ito pero ayaw naman nila alisin ang mga kalat nila dahil wala daw silang mapaglalagyan ng mga construction materials nila. Hindi naman daw sila gaanong nakakaabala dahil kalahati lang naman daw ng kalye ang inookupa nila.
Ang hindi po nila napapansin, nagiging cause ng traffic ang pagsakop nila sa kalahating bahagi ng kalye kahit sabihin pang sa tapat lamang ito ng mga bahay na ginagawa nila.
May katuwiran po ba ang developer sa sitwasyong ito? Letty Rombaoa, Pasay City
Wala po dahil mahigpit na ipinagbabawal ng MMDA ang mga road blocks na gaya ng mga construction materials. Ayon sa Section 2 ng MMDA Regulation No. 96-0009, labag sa batas ang magtambak ng construction materials sa kalye, o sidewalk na maaring makaabala sa pedestrian o traffic kung walang permit mula sa MMDA o Local Government Unit ang may-ari.
Ang lumabag ay papatawan ng administrative fine na P1,000 o community service of 3 days. May special provision din na ang mga iligal na magtatambak ng mga kalat, factory/construction debris at iba pang kaparehong bagay ay papatawan ng karagdagang P200 per cubic meter na multa para sa pagpapaalis ng kanilang kinalat sa inyong kalsada.
Bukod pa dito, ang nakahambalang na mga construction materials ng inyong kapitbahay ay maituturing ding nuisance sa ilalim ng numero 1, 4 and 5 nito. A nuisance is any act, omission, establishment, business, condition of property, or anything else which 1) injures or endangers the health or safety of others; 2) annoys or offends the senses; 3) shocks, defies or disregards decency or morality; 4) obstructs or interferes with the free passage of any public highway or street, or any body of water; 5) hinders or impairs the use of property.