Kalat sa Kalye
July 27, 2003 | 12:00am
Ang akin pong ikokonsulta sa inyo ay tungkol sa isang helera ng mga townhouses na ginagawa dito sa may kalye namin. Parati na lang pong nakabalandra sa kalye ang mga saku-sakong buhangin, semento at iba pang construction materials at kalat ng mga naggagawang karpintero. Makitid na nga po ang kalye namin, nakakalat pa ang kanilang mga supplies. Tuloy, lagi na lang pong ma-traffic dito sa amin dahil daanan po talaga ng mga sasakyan ang kalye namin.
Nakiusap na po kami sa developer ng mga townhouses na ito pero ayaw naman nila alisin ang mga kalat nila dahil wala daw silang mapaglalagyan ng mga construction materials nila. Hindi naman daw sila gaanong nakakaabala dahil kalahati lang naman daw ng kalye ang inookupa nila.
Ang hindi po nila napapansin, nagiging cause ng traffic ang pagsakop nila sa kalahating bahagi ng kalye kahit sabihin pang sa tapat lamang ito ng mga bahay na ginagawa nila.
May katuwiran po ba ang developer sa sitwasyong ito? Letty Rombaoa, Pasay City
Wala po dahil mahigpit na ipinagbabawal ng MMDA ang mga road blocks na gaya ng mga construction materials. Ayon sa Section 2 ng MMDA Regulation No. 96-0009, labag sa batas ang magtambak ng construction materials sa kalye, o sidewalk na maaring makaabala sa pedestrian o traffic kung walang permit mula sa MMDA o Local Government Unit ang may-ari.
Ang lumabag ay papatawan ng administrative fine na P1,000 o community service of 3 days. May special provision din na ang mga iligal na magtatambak ng mga kalat, factory/construction debris at iba pang kaparehong bagay ay papatawan ng karagdagang P200 per cubic meter na multa para sa pagpapaalis ng kanilang kinalat sa inyong kalsada.
Bukod pa dito, ang nakahambalang na mga construction materials ng inyong kapitbahay ay maituturing ding nuisance sa ilalim ng numero 1, 4 and 5 nito. A nuisance is any act, omission, establishment, business, condition of property, or anything else which 1) injures or endangers the health or safety of others; 2) annoys or offends the senses; 3) shocks, defies or disregards decency or morality; 4) obstructs or interferes with the free passage of any public highway or street, or any body of water; 5) hinders or impairs the use of property.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest