^

PSN Opinyon

Mataas na marka hindi batayan ng pagiging matalino

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
IMPORTANTE sa mga mag-aaral ang kanilang IQ (intelligent quotient) at EQ (emotional quotient). Dapat na maging balanse ito. Mahalaga ang partisipasyon ng mga magulang dito. hindi dapat pilitin ng mga parents na mataas ang mga marka ng kanilang mga anak manapa’y dapat silang magsilbing inspirasyon para lalong pagbutihin ng mga bata ang pag-aaral.

Hindi lahat ng estudyante ay puwedeng valedictorian at honor student. May mga mahusay sa Math at Science pero mahina naman sa language, arts and music. hindi pare-pareho ang talento ng mga estudyante. Ang pagkakaroon ng high grades ay hindi batayan kung matalino ang mag-aaral. Dapat na makintal sa isipan ng mga estudyante ang kahalagahan ng edukasyon lalo na sa pagbuo ng kanyang kinabukasan. Para matamo ang active learning ng mga bata narito ang ilang gabay o tips sa mga magulang: (1) Bawat gabi ay basahan ang mga anak. Importante ang 10 hanggang 15 minutong reading every night. (2) Maglaan ng regular place to study. Dapat na bigyan sila ng desk of good lighting. (3) Bigyan ang mga bata ng regular time for study at hindi maglalaon ang mga bata na mismo ang magkusang mag-aral at magkaroon ng study habits. (4) Laging kausapin ang mga anak tungkol sa ginawa nila sa paaralan at (5) Dapat na ma-involve ang mga parents sa mga school activities. Laging makipag-ugnayan sa mga guro ng mga anak.

vuukle comment

ANAK

BATA

BAWAT

BIGYAN

DAPAT

LAGING

MAGLAAN

MAHALAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with