Bata ni Senator Barbers, dedbol sa Cebu
July 26, 2003 | 12:00am
INAMBUSH habang nasa loob ng sasakyan si Wewe Lao, 42, Deputy Customs Collector for Operations sa Port of Cebu, hindi ito nakaligtas patay ito sa ospital.
Ganoon din si Bennet Soreno, 52, isang customs examiner, patay din porke nakasakay ito sa sasakyan ni Wewe nang upakan.
Dedbol din si Allen Dave Ravena, 16, isang innocent bystanders ng tamaan ito ng ligaw na bala habang bumibili ng banana cue. Tinamaan din ng ligaw na bala si Nestor Ancajas, jeepney driver pero nasa mabuti na itong kondisyon. Himalang nabuhay si Samuel Dijun, driver ni Wewe matapos itong hindi tamaan ng bala pero nasugatan sa ulo dahil tumama sa kanya ang mga nagtalsikang bubog ng salamin ng Isuzu, Tropper ni Wewe.
Matindi ang tumira sanay pumatay ng tao dahil ilang metro lamang ang layo nila sa Regional Command ng tambangan nila si Wewe.
Dalawang hindi pa kilalang gunmen ang umupak kina Wewe at Bennet sakay ng motorcycle.
Malalim ang patayan hindi biro maraming spekulasyon ang naglalabasan parang kabuting tumubo sa damuhan.
Kesyo mga sindikato raw ang nagpabanat.
Nagka-onsehan daw pero hindi natin alam kung totoo ang tsismis. May nagsasabing dahil daw sa bigas kaya nagkabanatan at may nagkakalat naman na droga umano ang naging problema.
Pero tiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO na mga pigoy lang ang makakalutas ng incident.
Hindi ba bagong promote si Wewe sa kanyang posisyon diyan sa Cebu? anang kuwagong hitad.
Oo nga, sa recommendation ni Senator Barbers kaya na-approved, sagot ng kuwagong Kotong cop.
Marami sigurong naiinggit kaya pinaupakan si Wewe?
Mahirap ang posisyon ni Wewe sa Cebu marami nga siyang kaibigan at natutulungan pero tiyak marami rin siyang kaaway? anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Bakit?
Iyan ang itanong mo sa taga-Cebu Customs house.
Hindi ba noong Martes ay may inambush din RTC Judge sa Cebu?
Oo nga.
Tumitindi ba ang peace and order situation dito ngayon?
Iyan ang itanong natin sa mga pigoy.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended