^

PSN Opinyon

Matapos ang bagyo,mataas na presyo dapat bantayan

- Al G. Pedroche -
HUMARUROT sa bansa at nagbunga ng malaking pinsala ang isang super-bagyo. Taun-taon, sumusulpot ang mga mapagsamantalang traders na nagtataas ng presyo ng paninda. Ginagawang dahilan ang pananalasa ng bagyo.

Noong araw, nakalulusot ang mga iyan. Maluwag ang DTI noon. Ngayo’y iba na. Talagang tinututukan ng DTI ang mga mangangalakal upang siguruhing maayos na naipatutupad ang batas sa presyo.

Karaniwang tumataas ang presyo ng mga agricultural products gaya ng gulay pagkatapos ng bagyo. Sa kabila ng malaking pinsalang naidulot ng bagyong "Harurot" tiniyak ni Trade and Industry Secretary Mar Roxas na matatag ang presyo ng mga bilihin. Ito ay base aniya sa initial reports mula sa regions 1, 2 Cordillera Administrative Region, at Metro Manila. Sa pangkalahatan, tinuran ng mga ulat na ito na may sapat na supply at hindi tumaas ang presyo.

Isang special price monitoring team ang itinalaga ng DTI sa mga lugar na grabeng naapektuhan ng bagyo. Ito’y sa layuning protektahan sa mga mapagsamantalang negosyante ang mga consumers.

So far so good.
Ayon sa report ni Roxas, walang ano mang naitalang pagsasamantala ng mga traders. Marahil ay nakonsensya rin ang mga ito. Mantakin mo nga naman na napinsala na ng bagyo ang mga pobreng consumers ay pipigain mo pang parang kalamansi sa pamamagitan ng mataas na presyo?

Posible ring takot ang mga unscrupulous traders na ito dahil puspusan ang pagmamanman ng mga itinalagang ahente ng DTI. Batid nila ang mabigat na parusang kakaharapin nila kapag napatunayang lumalabag sila sa batas sa presyo. At ayon mismo kay Roxas, "hindi sila sasantuhin" kapag lumabag sa price act.

Kasabay nito, dapat ding maging alerto ang mga mamimili laban sa mga tiwaling negosyante. Kung may napapansin silang labis-labis na pagpapatubo ng mga mangangalakal, ito’y dapat ireport agad sa DTI para mabigyan ng leksyon ang mga hinayupak na iyan.

vuukle comment

AYON

BATID

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

GINAGAWANG

METRO MANILA

PRESYO

ROXAS

TRADE AND INDUSTRY SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with