Ang halamang gamot na serpentina at iba pang kaalaman

MARAMI ang sumulat sa Bantay Kapwa tungkol sa aming nilathalang halamang gamot na tinaguriang serpentina. Mabisang gamot ang serpentina sa maraming karamdaman, bukod sa kanser, sakit sa bato at psoriasis. Sa mga nagtatanong tungkol sa serpentina, tumawag kayo sa tel. 9122325 at puwede ring magtanong kay Nora na nagtitinda ng herbal medicine sa gilid ng simbahan ng Quiapo.
* * *
Alam ba ninyo na ang palito ng posporo bukod sa pansindi ay gamit din ng mga mangingisda sa panghuhuli ng pusit? Ginagawa nilang pain ang mga pinagdugtung-dugtong na palito ng posporo. Dahil sa kulay ng posporo ay nabibighani ang mga pusit na akala ay pagkain ang mga palito at sila’y sinasalok ng mga mangingisda.

Ayaw ng mga manok ang basang lupa o anumang bagay na basa. Sa mga may poultry, tiyakin na hindi basa ang kulungan ng mga manok at hindi dapat hampasin ng malakas na hangin ng ulan ang lugar nila lalo na sa mga naglilimlim na manok.

Alam n’yo ba na ang fiber food ay laban sa kanser? Ang bawat tao ay dapat na kumain ng 35 gramo ng fiber food bawat araw. Bukod sa mga sariwang prutas, pangunahing fiber food ang okra, kalabasa at saluyot.

Alam n’yo bang ang mga breast-fed babies ay malayo sa impeksyon? Hindi sila madalas na maoospital at magkaroon ng diarrhea, rashes, allergies at iba pang sakit di gaya ng mga formula-fed babies dahil ang mother’s milk ay may anti-bodies. Ayon sa mga pediatricians, habang nagpapasuso ang ina at yakap ang sanggol ay nadarama ng anak ang pagmamahal, pagkalinga at proteksyon ng ina. Batay sa mga studies, ang mga breast-fed na bata ay matatalino at aktibo sa pag-aaral.

Show comments