Ang nakapagtataka ay kung bakit sila lamang ang nahuli samantalang sandamukal ang mga opisyal at mga kawani ng gobyerno na gumagawa ng katiwalian.
Marami pang halang ang bituka sa BIR. Marami rin sa Customs. Sabi, kung tatanungin daw ang 10 tao na gustong magtrabaho sa gobyerno, ang pipiliin daw ng siyam ay sa BIR at Customs. Ang isang hindi pumili ay sira ang ulo.
Ang isa pang kilala sa pagiging talamak sa graft and corruption ay ang Department of Public Works and Highways. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang corruption sa DPWH. Ang departamento ang nababalitang gatasan ng ilang mga mambabatas at mga pulitiko. SOP (standard operating procedure) na nga raw iyon sa kanila.
Kung may political will at tototohanin ni President Arroyo ang paghuli at pagpapakulong sa mga tiwali, naniniwala akong gaganda na ang takbo ng bansa. Kapag nangyari ito, ang taumbayan na ang magmamakaawa kay President Arroyo na huwag nang umalis sa puwesto. Hindi pa huli ang lahat, Mrs. President!