Board member ng Ifugao gumamit ng child prosti sa halagang P30

ALAM n’yo bang gumamit ng katorse-anyos na prosti ang isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Gen. Sonny Pregido, Bro. Edgar Layon, Paul Roxas, Apol Magsino, Christopher Cabal, Jane Peña at Miko Papa Canosa from Lolo Nestor and Lola Nenita Papa.
* * *
Alam n’yo bang hindi na nakunsensiya ang isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at nakipagtalik pa sa isang katorse-anyos na nagbebenta ng short time na aliw?

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa kahirapan ay laganap na ngayon ang child prostitution sa Ifugao.

Sa halagang P30.00 ay nagpapagamit ngayon ang mga kabataan sa mga kalalakihan.

Karamihan pala sa kanilang mga customer ay mga tricycle driver.

At dahil wala namang motel sa naturang probinsiya, kapag nagkasundo ang mga child prosti at kanilang customer ay kung saan-saang lugar isinasagawa ang pagtatalik.

Minsan ay sa bodega, bakanteng sasakyan na nakaparada, sa tabing-ilog o kaya ay sa bukid.

Ayon sa aking bubuwit, marami nang kabataan ang naging prosti sa Ifugao.

Batay naman sa report ng DSWD sa Ifugao, umabot na sa 50 child prostitute ang nasa kanilang pangangalaga. Ang mga ito ay nagkakaedad lamang ng dose hanggang daisy-sais anyos. At ang malungkot na natuklasan ng DSWD, karamihan sa mga batang prosti ay dinapuan na ng STD (sexually-transmitted disease).

Ayon sa aking bubuwit, inamin naman ng isang batang prosti na ang isa niyang naging customer ay miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Siya ay binayaran ng P30.00 at binigyan ng tip na P10.00.

Sinabi pa ng bata na nangako sa kanya ang Board Member na sa susunod nilang pagtatalik ay dadagdagan niya ang kanyang bayad. Hayup ka naman Bokal!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, itong Board member na gumamit ng child prosti ay pumirma pa sa isang resolution na kumokondena sa child prostitution sa kanilang probinsiya.

Walang kamalay-malay ang kanyang mga kasama na siya pala ay gumagamit din ng batang pokpok.

Hanep ka naman Sir. Baka magaya ka kay dating Congressman Romeo Jalosjos niyan.

Baka kasuhan ka ng statutory rape.

Ayon sa aking bubuwit, ang Board member ng Ifugao na gumamit ng batang prosti sa halagang P30.00 ay walang iba kundi si...

Saan mo naman dinale yung bata?

Sa bodega ba, sa bukid o sa ilog?

Ang naturang opisyal ay si Board Member L. as in Lateg.

Show comments