^

PSN Opinyon

PNP: Pulis Na Pulitiko

SAPOL - Jarius Bondoc -
NANG makatakas si Fathur Rohman Al-Ghozi sa high-security jail ng Camp Crame, isa sa unang pahiwatig ni PNP Dir. Gen. Hermogenes Ebdane ay pakana ‘yon ng opisyal na nais agawin ang puwesto niya. Mabigat na paratang ‘yon. Kataksilan ang pagpapakawala sa lipunan ng isang mamamatay-tao, makuha lang ang pinaka-mataas na puwesto sa PNP. Tungkulin ni Ebdane na pangalanan ang taksil na opisyal.

Nangyari na ito nu’ng 2002. Kahihirang pa lang kay Ebdane bilang PNP chief na susumpa sa Hulyo nang makatakas sa unit niya sina kidnappers Faisal Marohombsar, Abdul Macaombang at Rolando Patiño. Gan’un din ang sabi ni Ebdane: kagagawan daw ng opisyal na nais itigil ang pag-angat niya. Hindi pa niya tinuturo kung sino ‘yon.

Biglang may tumawag na Mr. Sulayman nu’ng Miyerkoles sa Radio Mindanao Network at inakusahan si Deputy for Operations Virtus Gil na kumita ng $10 milyon sa pagtakas ni Al-Ghozi. Bagamat titingnan din ng mga imbestigador ang paratang, mahirap itong paniwalaan, ayon kina presidential spokesman Ignacio Bunye at Defense Secretary Angelo Reyes. Itinanggi siyempre ni Gil ang paratang at sinabing paninira lang ‘yon dahil siya na ang papalit kay Ebdane.

Ganyan na ba sa PNP? Puro politika’t intrigahan na lang para sa pinaka-mataas na puwesto? At teka, ni hindi naman si Gil ang kasunod sa linya para pumalit kay Ebdane. Kung puwesto ang pag-uusapan, si Deputy for Administration Edgar Aglipay ang No. 2. At kung linear list ng pinaka-senior general ang batayan, si Metro Manila chief Reynaldo Velasco naman ang next in line kay Ebdane. Malapit na rin bang tirahin sina Aglipay at Velasco?

May bahid-pulitika ang pagtakas mismo ni Al-Ghozi, anang isang imbestigador. Nasa poder ang bilanggo ni Supt. Reuben Galban, hepe ng Foreign Intelligence Liaison Office ng PNP-Intelligence Group. Bata siya ng isang heneral na naka-freezer dahil dikit sa isang politiko na sangkot sa Kuratong Baleleng massacre. Sa poder din ni Galban ang nawawalang massacre suspect na Supt. Glenn Dumlao.

vuukle comment

ABDUL MACAOMBANG

ADMINISTRATION EDGAR AGLIPAY

AL-GHOZI

CAMP CRAME

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

EBDANE

FAISAL MAROHOMBSAR

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

FOREIGN INTELLIGENCE LIAISON OFFICE

GIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with