Isinasara ang kalye kapag may party

May kapitbahay kami sa aming barangay na mahilig mag-party. Tawagin na lang natin silang pamilya Gomez.

Wala naman kaming problema kung ‘yun ang hilig ng pamilya nila. Kaya lang, palagi pong pinapasara ng pamilya Gomez ang buong street namin tuwing may selebrasyon sila. Tuloy, naaabala kaming mga kapitbahay at pati rin mga iba naming ka-barangay dahil imbes na malapit lang ang daan palabas at papasok sa amin, umiikot pa kami dahil nga sarado ang kalye namin.

Marami na pong naiinis sa pamilyang ‘to dahil tunay namang nakaaabala ang kanilang pagsasara sa aming kalye tuwing may party sila. Akala yata kanila ‘yung buong daan.

May katwiran ba silang ipasara ang kalye?

–Juaning Samonte, Pandacan, Manila

Show comments