Layers of command responsibilities

UMALINGASAW ang baho sa Crame nang pinatakas ang tatlong gagong teroristang sina Fathur Rohman Al-Ghozi, Abdulmukim Ong Edris at Omar Opik Lasal. Napakaraming speculation na naglutangan ngayon sa nasabing lugar.

Imbestigasyong katakut-takot para palutangin kung sino ang nag-hudas!

Iba’t ibang tsismis ang lumalabas hindi lang sa parte ng mga pigoy kundi maging ang opinion ng masa ay nakiisa na rin sa nangyaring kapalpakan.

Sa isip ng ilang people, talagang mahirap pagkatiwalaan ang mga rakpadudels.

Magkano?

Kahihiyan at kawalan ng tiwala ang nangyari hindi lamang sa administrasyon ni Jun Ebdane kundi pati si Prez Gloria.

Laking iskandalo para tayong nilindol ng balita hindi lamang sa Pinas kundi sa buong mundo.

Sayang si Intelligence Group (IG) bossing Jess Verzosa at maging si PNP bossing Jun Ebdane porke mga ulo nila ang hinihinging tagpasin.

Dahil daw sa command responsibilities.

Kailangan may layers of command responsibilities dapat ang mga duty officers ng mga oras na iyon ang dapat parusahan.

Kung command responsibilities ang pag-uusapan dapat pati si Prez Gloria Macapagal-Arroyo, ay sibakin din sa puwesto porke siya ang Commander in chief sa buong bansa.

Ang dapat gisahin dito ay ang IG group duty officer, officer of the day, duty Police non-commissioned officer, Sgt. Of the guard at jail guards.

Kasi sila ang may full responsibilities.

Tandaan natin, weekend nang makatakas ang tatlong terorista.

‘‘Niyari si Verzosa porke tanghali na ng sabihin sa kanya na nakapuga ang tatlong gago,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Madaling araw pa lamang daw ay alam ng mga pigoy sa IG na pumuga ang tatlong kamote,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Malalim ito. Wala nang espasyo sa susunod ikukuwento ko ang magagandang kaganapan.’’

‘‘Sa ngayon ipaghaha-rap daw ng sakdal ng falsification of public documents ang ilang pigoy ng IG na duty sa detention cell noong makatakas ang tatlong gago.’’

Show comments