^

PSN Opinyon

Panginoon ng Sabbath

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NAGKAROON ng mga pakikipagtalo si Jesus sa mga Pariseo hinggil sa Sabbath o Araw ng Pamamahinga. Basahin ang Mateo 12:1-8 para sa ebanghelyo sa araw na ito.

"Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus sa triguhan. Nagutom ang kasama niyang mga alagad kaya’t nangitil sila ng uhay at kinain ang mga butil. Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, ‘Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga.’

Sumagot si Jesus, ‘Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog sa Diyos at pinakain din niya ang kanyang mga kasama. Labag sa Kautusan na kanin nila ang tinapay na iyon sapagkat ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon."


Ang mga Pariseo ay grupo ng mga kalalakihan na nanatiling matapat kay Yahweh. Subalit naging konserbatibo at estrikto sa pagsunod sa batas. Ang batas ay mas binigyang halaga kaysa tao.

Si Jesus at kanyang mga alagad ay napadaan sa isang triguhan.Dahil sa gutom, ang mga alagad ay nangitil ng mga uhay ng trigo at kinain ang mga butil nito. Nakita ito ng mga Pariseo bilang paglabag sa batas ng Araw ng Pamamahinga. Sinisi nila ang mga alagad. pinagtanggol sila ni Jesus.

Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo na nang si David at kanyang mga kasama ay nagutom, sila’y pumasok sa Templo at kinain ang tinapay na tangi lamang ang mga saserdote ng Templo ang may karapatang kumain.

Huwag nating kalimutan na ang batas ay ginawa para sa tao. Dapat nitong pagsilbihan ang tao. Ang tao ay mahalaga. Siya ay dapat igalang. Ito ang pananaw mismo ni Jesus.Si Jesus ang Panginoon ng Sabbath o Araw ng Pamamahinga.

ARAW

BASAHIN

DIYOS

ISANG ARAW

JESUS

PAMAMAHINGA

PARISEO

SI JESUS

TEMPLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with