^

PSN Opinyon

Problema sa edukasyon

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MARAMI pa ring problema sa edukasyon. Mababa ang kalidad ng pagtuturo lalo na sa public schools. Sasabihin na only in the Philippines makikita na may mga mag-aaral na nagklaklase pa sa ilalim ng puno dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan. Bukod sa kakapusan ng mga classrooms, kulang din ang mga guro. Napatunayan na maraming mahuhusay na titser ang nag-abroad dahil kulang ang sahod nila para matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Inamin ng DepEd na maraming mga mahuhusay na gurong Pilipino ang nagtuturo ngayon sa Amerika at Canada.

Sa budget na napupunta sa DepEd, 60 porsiyento ang pasuweldo sa mga guro at 40 porsiyento naman ang laan sa pagpapagawa ng mga eskuwelahan.

Edukasyon ang prayoridad pero sa takbo ng mga pangyayari ay mapupuna ang lack of quality education. Maraming panukala ang inilahad para matugunan ang problema. May mga nagmumungkahi na sana’y 20 porsiyento ng pork barrel ng mga senador at congressman ay ilaan sa edukasyon. Ang bawat senador ay P200 milyon ang pork barrel taon-taon, samantalang P65 milyon ang pork barrel ng bawat kongresista. Isa pa ring suhestiyon ay ang pagsasara ng mga opisina na duplikado ang trabaho ng mga kawani. Makatitipid ng P1.5 bilyon sa bawat taon sa pagbuwag ng 14 non-performing government agencies at ang halagang ito bukod pa sa fantastic salaries ng napakaraming government consultants ay malaking dagdag sa budget ng DepEd para mapabuti ang standard at kalidad ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

AMERIKA

BUKOD

EDUKASYON

INAMIN

ISA

MABABA

MAKATITIPID

MARAMING

NAPATUNAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with