^

PSN Opinyon

Paano makasisiguro sa bibilhing lupa?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Isa akong overseas Filipino worker dito sa Saudi. Binabalak kong bumili ng lupa at bahay sa Metro-Manila. Mayroon pong ipinagbebentang lupa sa aking asawa sakop ng isang subdibisyon. Mayroon ding isang lupa na binebenta sa murang halaga ngunit rights lang ang puwedeng ilipat sa amin. Paano po ba ako makasisiguro sa pagbili ng lupa? –ELENE CRUZ ng Riyadh


Bago bumili ng lupa sa isang subdibisyon, kailangang siguraduhin na ang developer na nagbebenta sa inyo ay may Certificate of Registration mula sa HLURB at binigyan ng License to Sell sa ipinagbebentang lupa. Upang malaman ito, maaari kayong tumawag sa mga sumusunod na numero ng telepono ng ating mga regional field offices: NCR, (02) 924-6658; CAR, (074) 442-5338; Region 1 (072) 888-3354; Region II (078) 844-1766; Region III (045) 963-7376; Region IV, (02) 912-7227; Region V, (052) 480-5381; Region VII, (032) 254-8529.

Mas mabuting puntahan o bisitahin mismo ang lupang kanilang binebenta. Bago kayo magbitaw ng pera, kailangang mayroon itong katibayan na kontrata at resibo. Para sa inyong dagdag na kaseguruhan, tanungin ang numero ng Transfer Certificate Title at i-verify ito sa Registry of Deeds ng lugar kung saan matatagpuan ang lupa.

Kinakailangang siyasating mabuti ang titulo ng lupa na ibinebenta sa inyo. Ang titulo ay nakapangalan sa taong nagbebenta sa inyo. Ang titulo ring ito ay dapat na nakarehistro sa Torrens System o tinatawag na Transfer Certificate of Title.

CERTIFICATE OF REGISTRATION

DEAR SEC

LUPA

MAYROON

MIKE DEFENSOR

REGION V

REGISTRY OF DEEDS

TORRENS SYSTEM

TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE

TRANSFER CERTIFICATE TITLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with