^

PSN Opinyon

Kayang talunin ang sindikatong squatter

SAPOL - Jarius Bondoc -
APAT ang uri ng professional squatters, ayon kay Atty. Analiza Teh ng Housing and Urban Development Coordinating Council. Sila ‘yung nang-aagaw ng lupang pribado o publiko sa pamamagitan ng pekeng titulo. O kaya’y nagtatayo roon ng negosyo – nightclub, punerarya, vulcanizing, diner, tindahan. O kaya’y nagpapagawa ng bahay o gusaling paupahan. O kaya’y nabigyan ng gobyerno ng pabahay sa mahihirap, pero nagbenta ng lote para mag-squat uli.

Ayon sa batas, hindi sila obligado ihanap ng relocation site. Basta palalayasin sila sa lupa at gigibain ang ilegal na istruktura. Bahala sila sa sarili, dahil malinaw namang kaya nilang bumili ng legal na lote’t bahay.

Mabilis kumilos ang squatting syndicates. Biglang dadagsa nang Sabado o Linggo, kasama ang mga nalokong bumili ng rights, at hahatiin ang lote at tatayuan agad ng barung-barong. Kaya weekend ay para hindi makahingi ng saklolo ang may-ari mula sa munisipyo o city hall. Tapos, oorganisahin ang squatters sa homeowners association o kooperatiba, na ipalilista sa Securities and Exchange Commission o sa Cooperative Development Authority. At para hindi basta mapatalsik, magpapatayo ng kapilya o mosque kung saan tatakbo ang squatters kung may demolition. May mga abogado pang tagahabla sa pulis at opisyales na nagpapalayas.

Hindi natinag ang UP-Diliman nang pasukin ng 700 pamilya ang Arboretum, munting gubat sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Sa tulong ng City Hall, pulis at HUDCC, pinatalsik nito ang mga dumagsa mula sa Muslim communities sa Culiat, Quiapo, Taguig at ilang galing pa sa Lanao. Ubos na kasi ang pasensiya ng UP. Di lang basta nagputol ng puno sa Arboretum, pinasok pa ang National Hydraulics Research Institute at nanira ng mga gamit. Buti na lang at hindi napasok ang Phil. Atomic Energy Commission at Nuclear Research Administration. Kundi, baka nagka-radioactive fallout sa Kamaynilaan.

Kayang talunin ang sindikato. Habang nagtatayo pa lang ng kung ano, tawagin agad ang barangay. Kung walang building permit, bawal.

ANALIZA TEH

ATOMIC ENERGY COMMISSION

CITY HALL

COMMONWEALTH AVENUE

COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

NATIONAL HYDRAULICS RESEARCH INSTITUTE

NUCLEAR RESEARCH ADMINISTRATION

QUEZON CITY

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with