Pinagkanulo si Jess Verzosa

BASTA pera, walang boss sa mga ganid. Ihuhulog ka if the price is right!

Ganito ang nangyari kay IG Bossing Jess Verzosa, pinatakas ng mga gago ang tatlong mamamatay-tao kapalit ng millions of pesos.

Kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO si Jess. Miyembro ito ng PMA Class ’76 at isa sa mga iginagalang ng kanyang mga mistah!

Tahimik ngunit mapanganib si Bigote, ang bansag sa kanya sa PNP.

Itanong n’yo ang kalibre ni Jess sa mga pigoy kung sino ito at magtataka ka dahil parang hindi totoo ang sasabihin sa iyo ng taong makakausap mo.

Iba si Jess!

Sharp shooter, magalang, mabait at tahimik si Bigote kaya lang kuwidaw kayo sa mga katarantaduhan dahil dito siya uusok.

Bilib ako sa ginawa ni Jess. Nang mabalitaan niyang pumuga sina Fathur Al-Ghozi, Abdulmukum Edris at Merang Sumulong, este mali, Abante pala, ay mabilis niyang kinompronta si PNP Bossing Jun Ebdane para i-relieve agad siya sa kanyang puwesto pending investigation.

May delicadeza! Hindi tulad ng ibang patabaing baboy sa Crame, sinusuka na ayaw pang bumitaw sa puwesto.

Kapit-linta, ika nga!

Alam kong mahuhuli rin ang tatlong gago, kung kailan, iyan ang hindi ko alam.

Nakakahiya man ang nangyari kay Jess sa pagpuga ng mga gago ay wala tayong magagawa pero tutulong ang mga kuwago ng ORA MISMO para makarekober siya.

Kasama iyan sa trabaho.

"Tumanggap ba si Jess ng pitsa para makapuslit ang mga notorious terrorist killers?" tanong ng kuwagong urot.

"Hindi mo kilala si Jess, kamote," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Trabaho lang, walang personalan at kung sa pera, masisira ka kay Bigote," anang kuwagong maninisid ng tahong.

"Masyadong malalim ito. Hindi natin alam kung si Jun Ebdane o Jess ang target ng mga gago para mawala sa puwesto," sabi ng kuwagong urot.

"Hindi pakaang-kaang si Jess para hindi niya masisid ang lalim ng operasyon."

"Maghintay tayo at tiyak may lulutang diyan."

"Abangan."

Show comments