^

PSN Opinyon

Maka-kalikasang mayors pinupuri

-
KUNG saan nagbubulag-bulagan ang mga mayor sa dynamite o cyanide fishing, asahan mo, hinahayaan din nila ang illegal logging at quarrying. Bale-wala sa kanila ang pagwasak sa kalikasan. Ang importante lang ay nasa puwesto sila. Katuwiran nila, kailangan ng mga botante ng hanap-buhay, miski ilegal. Pero sinusuhulan din sila ng mga illegal financiers. Masdan ang karagatan at kagubatan ng Pangasinan, Zambales at Bataan sa kanluran, at Isabela, Aurora at Quezon sa silangan. Puro ukab na ang seabed sa sabog at lason; puro kalbo ang mga burol.

Kung saan mulat ang mamamayan sa pagtanggol sa dagat o gubat, asahan naman, dahil ’yon sa maka-kalikasang opisyales. Sa Nasugbu, Batangas, bumuo ng Bantay Dagat ang mga dating magdidinamita at maglalason. Kusa nilang pina-patrol ang municipal waters laban sa commercial fishing vessels. Suportado sila ni Mayor Raymond Apacible. Inihingi sila ng speedboats sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para panghabol sa blast fishermen mula Cavite.

Sa Palawan, masugid din ang local officials laban sa illegal fishing. Nu’ng Mayo 2002 sa Cagayancillo namuno sila sa mga mangingisda at seaweed growers sa paghuli sa 17 Chinese poachers. Sa El Nido nu’ng Pebrero, tumulong ang taumbayan sa paghuli sa tatlong commercial vessels na namasok sa municipal waters.

Pero peligroso ang trabaho nila. Ani Luis Nacario, Bantay Dagat chairman sa Nasugbu, malimit makalusot sa kaso ang mga kapitan ng commercial fishing vessels "dahil marami silang maimpluwensiyang abogado." Dalawang beses, siya pa ang dinemanda.

Masuwerte pa si Nacario. Sa karatig-bayan ng Calatagan, 200 ang napaaresto ni Bantay Dagat head Sixto Atienza sa loob ng dalawang taon. Nu’ng Mayo, kasasalita lang niya sa pista sa baryo nang barilin siya sa ulo. Sa Payao, Zamboanga Sibugay nu’ng Hunyo, papalapit si maka-kalikasan Mayor Moises Araham para sitahin ang dalawang bangka ng magdidinamita nang tadtarin siya ng bala ng armalite.

ANI LUIS NACARIO

BANTAY DAGAT

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

MAYOR MOISES ARAHAM

MAYOR RAYMOND APACIBLE

PERO

SA EL NIDO

SA NASUGBU

SA PALAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with