Danding,di totoong nagpaubaya kay Ping
July 12, 2003 | 12:00am
ANO man ang mangyari, wala nang makapipigil sa kandidatura ni Danding Cojuangco sa pagka-Pangulo ng bansa.
May paglilinaw ang kampong sumusuporta sa presidential bid ni Danding Cojuangco. Hindi totoo ang sinabi ni Sen. Ping Lacson na ang bantog na negosyante at dating embahador ay nagpaubaya sa presidential bid ng Senador.
Sinabi ni Lacson na noon pang Marso ng taong itoy nagkita na sila ni Cojuangco. Nangako diumano si Cojuangco na susuportahan ang kandidatura ni Ping. Ayon kay Carmelo Santiago, isang matalik na kaibigan ni Cojuangco, nang mga panahong yaon ay wala pang desisyon ang negosyante kung hihirit sa panguluhan.
Nagkausap sina Lacson at Santiago sa telepono. Sinabi ni Santiago kay Lacson na may umiinit na clamor sa pagtakbo ni Cojuangco at malakas ang posibilidad na magpasya si Danding na humabol sa pagka-Pangulo.
Sagot naman daw ni Ping kay Santiago: Should Danding decide to run, I will give way to his candidacy." Pinayuhan ni Santiago si Lacson na personal na sabihin ito kay Cojuangco. Nagboluntaryo si Santiago na isaayos ang paghaharap ni Ping at Danding. Naganap noong Marso ang pagtatagpo ng dalawa. Kaharap si Santiago sa usapan.
Ang sabi ni Cojuangco nang mga panahong yaon ay hindi pa siya handang magdesisyon kung tatakbo o hindi. Masaya raw si Cojuangco sa kanyang pamumuno sa San Miguel Corporation na sa ilalim ng kanyang lideratoy bumuo ng planong mag-expand sa 7 bansa. Ayon kay Cojuangco, gusto niya na sa mangyayaring expansion ay naroroon siya sa San Miguel.
"Pero ayaw ko namang masabihan na tinatalikdan ko ang pagsisilbi sa bayan" ani Cojuangco kay Lacson. "Anong gagawin ko" tanong ni Lacson.
"Ituloy mo ang ginagawa mo at kung magpasya akong tumakbo ikaw ang unang makakaalam," sagot ni Cojuangco. Nagtapos ang pag-uusap sa pasasalamat ni Cojuangco kay Lacson.
Ani Santiago, "I cannot see where Danding broke his promise."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended