Diyaryo, telebisyon at radio umaalingawngaw na ang kanilang mga pangalan.
Kani-kanya na silang patutsadahan.
Ika nga, laglagan na!
Ang dating magkakadikit ay nagkakalayo.
Ang magkakaibigan ay nagkakagalit.
Iyan ang pulitika, siraan.
Ganyan sa pulitika. Walang kapatid, kaibigan, kumpare, basta nagkabanggaan, patayan ang labanan?
Darami na naman ang mga paru-paro, lipat dito lipat doon.
Lahat na naman ng baho ay pinasisingaw.
Ika nga, parang utot.
Wala na namang mangyayari sa bayan dahil tiyak pagkatapos ng election, maraming talunang mag-iiyakan.
At sa mananalo, sana huwag makalimutan ang kanilang pangakong dahil baka mapako.
Maraming bright, sana bumoto sila nang maayos.
Dahil kapag ang mga trapo na naman ang nanalo, tiyak kamote na naman tayo.
"Bakit umiinit na ba ang pulitika ngayon?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Kulang ka ba sa balita?"
"Bakit matindi ba ang balita?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Hintayin mo dahil titindi ang balita."
"Tungkol saan ba ang sinasabi mong balita?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Ano ba ang pinag-uusapan natin?"
"Mahirap kang kausap, hindi mo alam ang balita."
"Ano ba ang balita mo?"
"Abangan mo na lang, kamote."