OFW gustong mag-housing loan

Dear Sec. Mike Defensor,

Nagtatrabaho ako ngayon dito sa Saudi Arabia. Interesado po ako sa Pag-IBIG Housing Loan para sa mga overseas Filipino workers.

Anu-ano ba ang mga kuwalipikasyon ng nagnanais mag-avail ng loan na ito? Magkano ba ang maaari kong mahiram? Ilang taon ko babayaran ang aking utang?


–LIZA


Ang mga sumusunod ang kuwalipikasyon ng maaaring makahiram sa Pag-IBIG Housing Program: 1) Nakapaghulog ng labingdalawang buwang kontribusyon sa panahon ng loan application. Kung ang inyong inihulog ay kulang pa, maaari po ninyo itong bayaran ng lump sum upang mabuo ang labing dalawang buwan na kontribusyon; 2) May legal na kapasidad na bumili ng lupa at bahay o lupa lamang; 3) Ang edad ay hindi hihigit sa 65 taon sa panahon ng loan maturity; 4) Kailangang pumasa sa credit investigation ng Pag-IBIG; 5) Walang kasalukuyang housing loan sa Pag-IBIG o hindi co-borrower. Kung may kasalukuyang multi-purpose loan, kailangan din itong updated;

Ang halaga ng inyong mahihiram ay batay sa iyong kapasidad na makabayad, halagang kailangan at sa buwanang kontribusyon ng miyembro.

Kailangang bayaran ang utang sa loob ng limang taon para sa may membership term ng limang taon at 10 taon naman sa mga may membership term na 10 taon. Ang kahilingan na baguhin ang loan period sa Pag-IBIG ay maaaring mapagbigyan sa isang beses lamang. Ang buwanang amortisasyon ay nakabatay sa dagdag na buwanang kontribusyon, insurance premium, interes at ng prinsipal.

Show comments