^

PSN Opinyon

Bangungot ng jueteng pilit inaalis ni Sec.Lina pero...

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
TAMA lang ang panawagan ng mga Kongresista na sibakin na si Interior Secretary Joey Lina dahil wala nang pakinabang ang gobyerno ni Presidente Arroyo sa kanya. Sa ngayon, ang tingin ng marami, excess baggage lang si Lina dahil ang lahat ng programa niya ay hindi maka-take-off bunga sa palaging nakakabit sa kanya ang palpak na kampanya niya laban sa jueteng. Mabuti nga at inagaw ni Presidente Arroyo ang papel sa pagpatupad ng kampanya laban sa droga kay Lina dahil kung hindi, aba mapupunta sa wala ang lahat ng pinagdadakdak niya. Eh sa jueteng nga hindi pinaniniwalaan ng pulisya si Lina sa droga pa kaya. Tanong ng mga opisyales ng gobyerno na nakausap ko.

Pilit kasing winawalis ni Lina ang bangungot na iniwan sa kanya ng jueteng pero palaging nakakapit ang baho nito sa kanya. Hindi kasi makalimutan ng sambayanan na hanggang sa ngayon ay wala pang inilabas na pahayag si Lina kung tagumpay ba o hindi ang kampanya niya sa jueteng na nag-isang taon na noong May 6. Pero kung ang panghahataw naman ng Task Force Jericho niya ang gagawing basehan, tuloy pa rin ang jueteng sa iba’t ibang bahagi ng bansa at si Lina na lang ang hindi nakaaalam. Alam ’yan ni Atty. Morga, di ba mga suki?

Habang binubuksan naman ni Lina ang kanyang bibig ukol sa pananakot n’yang pangangalanan niya ang mga drug lords sa bansa, aba bumabalik sa isipan ng sambayanan ang warning din niya noon na ibubulgar niya ang katauhan ng 44 jueteng lords sa bansa. Nagawa ba ’yon ni Lina kahit abot langit ang paghahamon sa kanya ng iba’t ibang sector. Di hindi, di ba mga suki? He-he-he! Mababaon na rin sa limot ang pagyayabang ni Lina laban sa drug lords. Panay ka lang dada!

Paano malilinis ni Lina sa droga ang bansa kung ang bakuran niya mismo ay hindi mawalis ang jueteng na kinamumuhian niya noong gobernador pa siya? Kung nagawa niya ito noon, bakit hindi na sa ngayon? Magkano ba talaga ha Secretary Lina Sir? Ang tip ko lang kay Secretary Lina talamak na naman ang jueteng diyan sa Laguna at ang management nga ay sina Nora de Leon at Molly Acuna, na kapatid naman ng isang mataas na opisyal ng pulisya natin. Ang financier ng jueteng nina Nora at Acuna ay si Ely Fontanilla, na ang pinagyaya-bang ay itong si Chief Supt. Jesus Versoza, ang hepe ng intelligence group (IG) ng PNP. Ang para naman sa bulsa ni Chief Supt. Jaime Caringal, ang hepe ng PRO4, ay ang kanyang kapatid na si Jojo ang namamahala, anang kausap kong pulis. Siyempre hindi pahuhuli si Ito Lazaro na kumukuha naman kay Molly Acuna ng para kay Gov. Ningning Lazaro, anila. O hayan, Secretary Lina Sir. I-lambada mo na sila!

Sa punto naman ng droga, sa totoo lang Secretary Lina Sir, ang isinumite ni Dir. Anselmo Avenido ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na listahan kay Presidente Arroyo na 13 transnational drug syndicates na nag-operate sa bansa ay mga tip lang ng mga counterpart nila sa iba’t ibang bansa, ayon sa mga pulis. Tanungin mo Presidente Arroyo Ma’m kung ano ang mga hakbang na ginawa ng PDEA para tugaygayan ang mga 13 foreign-based drug syndicates at sigurado ang mga impormante ko na blanko sila.

May karugtong.

ANSELMO AVENIDO

CHIEF SUPT

JUETENG

LINA

MOLLY ACUNA

NIYA

PRESIDENTE ARROYO

SECRETARY LINA SIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with