^

PSN Opinyon

Utak sa rent-a-car scam ipinresenta ng BITAG sa TF Jericho

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
EKSLUSIBONG humarap sa aming kamera at nagsalita kahapon ng madaling araw ang itinuturong utak sa likod ng sindikatong rent-a-car scam, si AMINAH MACUSI sa Tarlac City.

Lumabas sa mga balita kamakailan sa telebisyon at maging sa mga diyaryo na may "massive manhunt" kay AMINAH, asawa umano ni Police Colonel RONALDO MACUSI.

Nadiskubre namin kahapon na walang katotohanan ang balitang lumabas sa mga higanteng network at sa mga broadsheets maging sa tabloid na may na-recover na 144 na sasakyan ang SOG TASK FORCE JERICHO.

Dahil daw sa mga balitang naglabasan, napilitan si AMINAH na hanapin ang aming grupo, ang BITAG sa telebisyon, upang magsalita na sa isyung ito.

Matatandaan na naipalabas na namin sa BITAG ang episode na may pamagat na "rent-a-car scam" nung nakaraang buwan. Na-recover ng pinagsanib na puwersa ang mahigit na 30 sasakyan ng BITAG at NBI-NCR. Nagawang isanla ni AMINAH ang kanyang mga nirentahan sa mga casino financiers.

Sa harapan ng aming kamera, umamin si MACUSI na "maliit na isda" lamang siya at may mas malalaking personalidad sa itaas n’ya. Mga alagad ng batas daw at mga kawani ng gobyerno.

Sa Tarlac City nakipagkita si AMINAH at ang asawa niyang si COLONEL MACUSI para sa isang ekslusibong interbyu kahapon ng madaling araw sa tanggapan ng Traffic Management Group (TMG).

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagpainterbyu sa telebisyon ang kontrobersyal na Colonel. Sinabi ng mga ito na wala raw silang pinagkakatiwalaang media kundi ang BITAG!

Sa BITAG nagsimula ang expose ng sindikatong nasa likod ng rent-a-car scam. Inamin din ni Colonel MACUSI sa akin na nasaktan siya ng husto sa aming video footage nung napitikan siya ng aming surveillance camera na nagtatago sa loob ng comfort room ng NBI.

Nung mga panahong iyon, nasa NBI si AMINAH at ini- imbestigahan ng NBI-NCR group kung saan nakatutok ang aming investigative team sa TV, ang BITAG.

Kahapon ng hapon sa tanggapan ni General Cabigon ng Special Operations Group ng TASK FORCE JERICHO, boluntaryong ipinresenta ng BITAG team si AMINAH MACUSI.

Napag-alaman ng BITAG na walang katotohanan ang balitang naglabasan na may massive manhunt kay AMINAH MACUSI dahil wala pa namang kasong naisampa sa Korte at wala namang warrant of arrest sa kanya sa kasong ito.

Sa madaling salita, hindi pa nauumpisahan nitong "madadang" TASK FORCE JERICHO ang imbestigasyon laban kay AMINAH MACUSI, panay na ang papogi, wala pa namang resultang naipapakita sa kasong ito.

At ang pobreng DILG secretary na si Joey Lina ay nagmukhang katanga-tanga sa mga "photo ops" na drawing lang pala. He-he-he!
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310 / 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

vuukle comment

AMINAH

BITAG

GENERAL CABIGON

JOEY LINA

MACUSI

POLICE COLONEL

SA TARLAC CITY

SPECIAL OPERATIONS GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with