Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Press Undersecretary Ching Suva, Justice Undersecretary Joe Calida, Agriculture Usec. Jose Verela, Ma. Mercedes Macalma, Pastora Nida Macasaet ng JIL at Doris Agullana.
Ayon sa aking bubuwit, nakapanghihinayang itong police officer na ito sapagkat guwapo na at macho pa pero siya pala ay isang bading.
Sa katunayan, kahit bistado na siyang bading ng iba, marami pa ring kababaihan ang nagkakandarapa sa kanya.
Kung kumilos kasi ang walanghiya lalo na kapag naka-uniporme ay talaga namang matikas at makalaglag panty.
Yun pala, siya ay nagsusuot ng panty.
Sayang ka Boy, ang sarap mong sabunutan.
Maganda pa naman sana ang lahi nito kapag nagpaparami.
Ito ay ang Adonis Gay Bar sa Timog Ave., Quezon City malapit sa GMA Channel 7. VIP pala ang damuho sa nasabing gay bar.
Kapag nagpupunta roon ay talagang asikasong-asikaso siya ng manager ng club. At siyempre, ang ibinibigay sa kanya ay ang mga macho-guwapitong macho dancer.
Nung makita nga siya ng aking bubuwit ay dala-dalawa pa ang ka-table na macho dancer. Naka-akbay siya sa dalawang guwapito at pahalik-halik pa. Nilalandi naman siya ng dalawang dancer.
Napakalaswa sigurong tingnan ano?
Habang sumasayaw ang dancer sa entablado, iniwan ni police officer ang dalawang ka-table na guwapito at lumapit sa stage.
Habang umiindak ang macho dancer sa kanyang kasuutang brief ay titig na titig ang baklang pulis.
Walang pakialam sa mga kasama rin niyang mga bading na nanonood.
At ang matindi pa rito, habang titig na titig siya sa katawan ng macho dancer ay inilalabas pa ang kanyang dila na para bagang naglalaway na sa pagnanasa sa macho dancer.
Ang sarap dagukan ang pulis na ito!
Ayon sa aking bubuwit, ang police officer na madalas sa gay bar at dala-dalawa pa kung mag-table ng macho dancer ay si
Siya ay mestisuhin, guwapo, matikas ang dating subalit bading pala.
Tauhan mo ito Gen. Pete Bulaong, Sir!
Dati siyang artista. Siya ay walang iba kundi si SPO4 M. J. ng Western Police District.