^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Maynila: Kulang sa liwanag

-
MALIWANAG sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Nag-aapoy ang ilaw sa mga poste na tumatanglaw sa mga taong namamasyal, kumakain at nagpapahangin habang masayang nakatanaw sa Manila Bay. Sa ilalim ng nag-aapoy na liwanag ay maaaring magdamag magsayawan. Hindi lamang sa Roxas Blvd. nag-aapoy ang liwanag, may mga lugar na din namang ginawa nang parke sa maraming lugar sa Maynila na naglalagablab sa ilaw at may nagsasayaw na tubig. Ngayon ay palawak nang palawak pa ang sinasabi ni Manila Mayor Lito Atienza na "pagbuhay sa Maynila". Kasalukuyang ginigiba ang portion ng Rizal Avenue (mula Carriedo St. hanggang Recto Avenue) para gawing parke o pasyalan? Ang Muelle del Rio ay isa nang parke. Inagawan na ng kalsada ang pampasaherong dyipni.

Habang palawak nang palawak ang "pagbuhay sa Maynila", marami rin namang lugar na nakakaligtaan o nalilimutan. Maraming lugar na madilim na ginagawang pugad na ng mga holdaper at snatcher. Hindi kalayuan sa nagbabagang Roxas Blvd., malapit sa Luneta ay may isang lugar na nababalot ng dilim na paboritong takbuhan ng mga snatcher at holdaper. Ito ay sa bahagi ng Old Congress Bldg. malapit sa tinatawag na Round Table. Talamak ang holdapan at snatching doon. Matakatapos mangholdap o makapang-snatch ay walang anumang maglalakad, patungo nga roon sa madilim na lugar sa may Old Congress Bldg. Nasa di-kalayuan naman ang detachment ng pulis na kapag inireport ang insidente ng snatching ay wala namang magawa. Madilim ang lugar at ni hindi nakaamot ng kaunti sa nagbabagang Roxas Blvd.

Habang may nagsasagawa ng panghoholdap sa lugar na nabanggit, nagkulumpon ang mga traffic enforcer ng Maynila sa tapat ng City Hall para mangotong sa mga matitigas ang ulong jeepney driver na nagbababa at nagsasakay doon. Habang abala sila sa pangongotong, walang takot ang mga halang ang kaluluwa sa pagsasamantala sapagkat itinatago sila ng dilim.

Paliwanagin ang buong Maynila at dagdagan ang seguridad sa mga lugar na maraming nagdaraang tao na karamihan ay mga estudyante at mga empleado. Binubuhay ang Maynila dahil sa pagpapaganda sa mga lugar para gawing pasyalan, kainan, sayawan pero kakatwang marami rin ang napapahamak at nagbubuwis pa ng buhay dahil sa masasamang loob na nagtatago sa karimlan ng Maynila.

Paliwanagin ang Maynila at bantayan ng awtoridad para maging ligtas sa panganib. Dito maaaring mabuhay ang Maynila.

ANG MUELLE

CARRIEDO ST.

CITY HALL

HABANG

LUGAR

MAYNILA

OLD CONGRESS BLDG

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with