^

PSN Opinyon

Anak ng war veteran kinasuhan

- Jose C. Sison -
SI Lina ay Community Affairs Officer IV sa kanilang siyudad. Nang ma-isyu ang Executive Order No. 790 kung saan nagbibigay ng veteran preference rating in civil service examination’’ para sa alin mang anak ng isang beterano, nag-aplay si Lina para makamit ang benepisyo nito. Naniniwala kasi siya na ang ama niya ay isang World War II veteran base sa mga sinumpaang salaysay ng tatlong opisyal ng militar. Ayon sa kanila, nagsilbi raw ang kanyang ama bilang sarhento ng 85th Infantry Regiment Cebu Command Area 82nd Division ng Philippine Army mula Hunyo 1942 hanggang Abril 1945. Subalit ito ay hindi nakumpirma at hindi kinilala ang kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

Ganun pa man, nag-aplay pa rin siya para sa preference rating, kalakip ang mga nasabing sinumpaang salaysay. Nang maisumite ang kanyang aplikasyon sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) nag-isyu ito ng Master List at sertipikasyon na ang kanyang ama ay isang World War II Veteran at may ranggong private. Kaya, binigyan ng Civil Service Commission si Lina ng benepisyong 10 percent additional preference rating at Career Service Professional Eligibility.

Subalit nang magsagawa ng pagsusuri ang CSC at PVAO upang matukoy ang katotohanan ng kanilang rekords tungkol sa mga ipinagkaloob nitong 10 percent preference rating, natuklasan nilang ang ama ni Lina ay hindi kasama sa opisyal na listahan ng mga beterano ng PVAO.

Kaya kinasuhan ng CSC si Lina ng dishonesty at falsification of official documents. Nahatulan si Lina at natanggal sa serbisyo. Tama ba ang CSC?

MALI.
Hindi maaaring mahatulan si Lina kung siya naman ay may paniniwalang ang kanyang ama ay isang beterano ng giyera. Kahit na hindi kumpirmado ang paniniwalang ito, isinumite naman niya ang mga sinumpaang salaysay ng mga kasamahan ng kanyang ama sa serbisyo bilang patunay dito. Sa katunayan nag-isyu pa nga ng PVAO ng master list at sertipikasyon na nagpatotoo dito. Isa sa mga elemento ng kasong palsipikasyon ng opisyal na dokumento ay ang paglalahad ng maling pangyayari. Sa kasong ito, ang mga isinumiteng salaysay ng mga kasamahan ng ama ni Lina sa serbisyo ay may anyo ng katotohanan bilang suporta sa kanyang kahilingan. Sa katunayan habang hindi pa napagpapasyahan ang kanyang apila, kinumpirma ng Military Service Board of the Department of National Defense ang serbisyong militar ng kanyang ama.

Kaya, kailangang mapawalang-sala si Lina at bayaran siya ng suweldong ipinagkait sa kanya (Relucio vs. CSC et. al. G.R. 147182 November 18, 2002.

AMA

CAREER SERVICE PROFESSIONAL ELIGIBILITY

CIVIL SERVICE COMMISSION

COMMUNITY AFFAIRS OFFICER

EXECUTIVE ORDER NO

KANYANG

KAYA

LINA

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with