^

PSN Opinyon

Ang pagtawag kay Mateo

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Si Mateo ay isa sa mga alagad. Bago siya tinawag, siya ay isang mangongolekta ng buwis. Si Mateo mismo, ang ating tagasulat ng Ebanghelyo, ang siyang nagsalarawan nang pagtawag sa kanya.

Pakinggan natin siya at tingnan natin kung paano siya tumugon (Mt. 9:9-13).

Umalis si Jesus sa lugar na iyon. Sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala’y Mateo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, ‘‘Sumunod ka sa akin.’’ Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.

‘‘Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila’y nagkakasalong kumain. Nang Makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, Bakit sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan ang inyong guro? Narinig ito ni Jesus at siya ang sumagot, – Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang walang sakit. Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, ‘‘Habag ang ibig ko at hindi hain. Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang banal.’’


Tiyak na may nakita si Jesus kay Mateo. Tinawag niya siya. At si Mateo ay kaagad tumindig at sumunod kay Jesus. Talos ni Mateo ang pribilehiyo na mapili, nag-alay siya ng handog kay Jesus, nag-anyaya din siya ng iba pang mga mangongolekta ng buwis. Sila, kasama ni Jesus, ay namuhay nang mabuti.

Nagreklamo ang mga Pariseo kung bakit si Jesus ay nakikisalo sa mga mangongolekta ng buwis at iba pang makasalanan. Tahasan silang sinagot ni Jesus: ‘‘Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang banal.’’ Oo, lahat tayo’y mga makasalanan. Tinatawag tayong lahat ni Jesus tungo sa kaligtasan.

Para sa isang makasalanan, ang sumunod kay Jesus ay humihingi ng isang ganap na pagbabago sa estilo ng pamumuhay. Una, binubuksan natin ang ating sarili sa Diyos. Ang Diyos ang nagiging kaganapan ng ating buhay. Siya ang ating unang iniibig. Sumunod, dapat nating mahalin ang kapwa gaya ng ating pagmamahal sa sarili. Mula sa kapalaluan, hinihingi sa atin ang kababaang-loob. Sa halip na takbuhan ang krus, niyayakap natin ito.

Higit sa lahat, kailangan nating tingnan si Jesus at gawin ang kanyang pamumuhay na sarili natin. Ang maging isang tagasunod ni Jesus ay nangangahulugan ng pagiging isang katulad ni Kristo.

ANG DIYOS

JESUS

MAKASALANAN

MATEO

NANG MAKITA

PARISEO

SI MATEO

SIYA

SUMUNOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with