^

PSN Opinyon

Nakalalasing ang pulitika

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
KAMAKAILAN, nagpalitan ng maaanghang na akusasyon sina Sen. Robert Barbers at Sen. Panfilo Lacson. Sinabi ni Barbers sa mga reporters na ang komite ng public order and illegal drugs na kanyang pinamumunuan at ang komite ng Blue Ribbon na pinangungunahan ni Sen. Joker Arroyo at ang komite ng national defense ni Sen. Ramon Magsaysay ay inirekomendang muli sa Dept. of Justice na imbestigahan at kapag nakitaan ng ebidensiya ay kasuhan na si Lacson.

Nagngitngit naman sa galit si Lacson at bilang pagganti ay binuweltahan nito sa pamamagitan ng pagbubulgar na ang senador ng Mindanao ay ang may kagagawan kung bakit pumalpak at hindi nakasuhan ang Chinese drug trafficker na si Lawrence Wang.

Ito ang pinagtatakhan ng marami. Bakit hanggang ngayon ay wala pang aksyon ang Senado laban sa mga kaso laban kay Lacson samantalang matagal na itong nakahanda. Noon pa mang hindi pa senador si Lacson ay hot na hot na ang mga kasamahan ni GMA na hindi nila lulubayan si Lacson hanggang hindi ito nakukulong? Mayroon ba silang nagawa? Nanalo pa nga si Lacson bilang isang senador. Nagmukhang tanga sina Col. Victor Corpus at Rosebud na alam naman ng lahat na pakawala ng mga taga-administrasyon.

Para namang ipinakikita ni Lacson na hindi lamang ang kasama niyang senador na mula rin sa Cavite ang may anting-anting. Gusto ng ilang senador mula sa panig ng administrasyon sa pangunguna mismo ni Senate President Franklin Drilon na mamagitan sa away ni Barbers at Lacson. Ang gusto bang sabihin nito ay ayos na rin ang mga kaso laban sa brandy drinker na senador. Ay, naku, ang pulitika nga naman. Nakakalasing. Pati prinsipyo ay nakakalimutan na.

vuukle comment

BAKIT

BLUE RIBBON

CAVITE

JOKER ARROYO

LACSON

LAWRENCE WANG

PANFILO LACSON

RAMON MAGSAYSAY

ROBERT BARBERS

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with