Political will ang kailangan vs droga
July 2, 2003 | 12:00am
PUSPUSAN ang kompanya ng gobyerno laban sa droga na ayon kay President Gloria Macapagal-Arroyo ay isang krusada ng lahat ng Pilipino. Natutuwa ang presidente sa takbo ng krusada hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong kapuluan na maraming drug pushers at users ang nahuli sa unang linggo ng giyera sa droga. Pinuri niya ang pagiging action men nina Sen. Robert Barbers, dating Manila Mayor Fred Lim at iba pa na nakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency sa pamumuno ni Gen. Anselmo Avenido Jr., Alam ni GMA na ang drug menace ay nagmumula sa grassroots level kaya nanawagan siya sa mga barangay, mga NGOs at pribadong sektor na tumulong sa kampanya. Sinabi niya na ang tagumpay ay nasa pagkakaisa at teamwork at higit sa lahat ay ang political will ng taumbayan. Sa Kamaynilaan ay inilunsad ni GMA ang Batang Iwas Droga na bumibilang sa 15 libong kabataan edad anim hanggang 12 sa layuning malaman nila ang masamang epekto ng mga bawal na gamot at tumulong din sa pamamahagi ng information materials bukod pa sa pagiging junior detectives.
Binigyan-diin ni GMA ang ilang hakbang sa pagsugpo ng salot na ito ng lipunan gaya ng pagpapahirap na makakuha ng droga ng mga gumagamit at nagbebenta, kailangang tukuyin ang lugar na pinanggagalingan ng droga at kailangang malipol ang mga drug lords at kanilang mga galamay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended