Subalit pinangangalandakan ng utak ng nasabing sindikato na si ANALYN LOPEZ a.k.a. Evelyn Banal , Suzette Flores ang ACCRA Law office. Tinuturo niya ang isang Atty Fernandez na taga ACCRA raw na tumatayo bilang abogado nila.
Lumutang din ang pangalan ng isang judge ng Manila Regional Trial Court na nagngangalang JUDGE NABONG. Maaring lingid sa kaalaman ni JUDGE NABONG na kinakaladkad ang kanyang pangalan ng sindikatong ito.
Naka-archive lang daw ang mga kasong kinasangkutan nitong si ANALYN LOPEZ kay JUDGE NABONG. Tinatrabaho na ito ngayon ng aming investigative team.
Matatandaan, pinangalandakan din ni ANALYN LOPEZ na malawak ang kanyang koneksyon sa pamahalaan. Magmula umano sa mga huwes, piskal, mga ahente ng National Bureau Investigation, Bureau of Immigration, maging sa ating kapulisan.
May hawak na tatlong passport si Lopez, ibat-ibang pangalan ngunit iisa ang kanyang mukha. Isang bagay na hindi magagawa ng isang ordinaryong sindikato kung hindi malalim ang kanyang koneksyon sa Department of Foreign Affairs.
May 47 na Filipina ang nakakulong sa nasabing safe house, anim na buwan na silang nakakulong. Isang nagngangalang Edelweiss Flores ang tumatayong "look out" ng nasabing sindikato.
May ilan din ang nakatakas at nakauwi na sa Pilipinas. Agad nakipagkita ang mga ito sa amin upang iparating ang kanilang naranasang kalbaryo sa kamay ng mga sindikato.
Lahat sila na-recruit na galing sa malalayong probinsya. Narinig nila ang "apple picker" radio advertisement para sa bansang Australia. Ang mga itoy mula sa mga sumusunod na lalawigan: Pampanga, La Union, Isabela, Ilocos, Bicol, Batangas, Tacloban at Davao.
Mahigit 72 kababaihang biktima ang nakaalis simula nung batch ng Disyembre ng nakaraang taon. Hindi sila nakaalis dahil iba ang balak para sa kanila ni ANALYN LOPEZ.
Bumisita si ANALYN LOPEZ sa Bangkok upang ipaalam sa kanila na hindi sila matutuloy dahil may nakapag-tip daw sa Australian Immigration.
Malakas ang kutob ng aming investigative team na sangkot din ang sindikatong ito sa "flesh trade" sa pamamagitan ng human smuggling patungo sa mga bansang legal ang prostitusyon.
Ayon daw kay LOPEZ may broker siyang naghihintay mula sa Denmark, Sweden at Italy kung saan mataas ang bigay na pasahod ngunit depende na ito sa trabahong kanilang papasukan.
Pinipili niya yung mga may hitsura, may hugis ang katawan at makinis ang mga balat. Ito raw ang prayoridad at best candidate na hindi tatanggihan ng mga "broker".
Habang tumatagal ang pananatili ng mga pobreng biktima sa safe house, lalo silang pinanghihinaan ng loob. Unti-unting silang nawawalan ng pag-asa.
Dito sinasamantala ng mga sindikato na gamitin ang pagkakataong maisagawa ang "mental conditioning" upang maimpluwensiyahan at makumbinse ang mga biktima na tanggapin ang trabahong naghihintay sa kanila.
Kinunan daw ni ANALYN ng video ang ilan sa kanila suot ang two-piece bathing suit. Ilan sa kanila ay dinala sa mga reputableng hotel na tinatambayan ng mga consul ng ibang bansa.
Dito pinayuhan sila, "i-entertain" ang mga consul na lalapit sa kanila habang naliligo sa pool.
Abangan, mga pangalan at mga contacts ni Analyn Lopez sa Bangkok at kanyang mga kakuntsaba hindi lang sa human smuggling maging sa iba pang illegal na mauuwi sa money laundering.