^

PSN Opinyon

Bilang na ang araw mo, Manuel "Oling" Nera!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PERSONAL akong sinadya ni Oscar Jariel ng Atimonan, Quezon upang humingi ng tulong sa ikadadali ng pag-aresto sa kriminal na walang awang pumatay sa kanyang anak na si Jose Ariel Jariel, 23 years old isang college student at malubhang pagkasugat sa isa pa niyang anak na si Jojit Jariel, 27, may asawa.

Ayon kay Mang Oscar noong January 1, 2002, nagkaroon ng New Year’s party sa Teachers Village, Barangay Buhangin ng naturang lalawigan ng biglang magkagulo sa naturang party at unang hiningan ng tulong ang kanyang anak na si Jojit na agad namang tumakbo ito upang umawat ngunit ang salarin ay nakatakas na patungong baybayin.

Iniwanang sugatan sina Monching Cabangon, Fred Camara at isang tomboy na nakilala lamang sa apelyidong Nazareno at ang suspek ay nakilalang si Darwin Nera na anak pala ng salaring Manuel Nera, isang barangay kagawad ng Barangay Buhangin.

Nagdudumaling tumakbo si Jojit sa Barangay Pulis upang humingi ng tulong sa naturang pangyayari ngunit hindi kumilos upang dakpin ang nanaksak sa kanilang mga kaibigan at sa halip sila ay sinabihang magsumbong na lamang sa kapitana na si Bernandita Candido na pinsang buo ni Manuel Nera.

Makalipas ang ilang sandali ay pasigaw umano sinabi ni Manuel Nera ‘‘Andiyan na si Kapitana, magsumbong na kayo,’’ nang lingunin umano ni Jojit si Kapitana ay biglang sinaksak ni Manuel sa balikat at ito’y napaigtad palayo upang makaiwas sa mga unday ni Manuel at ng kanyang malingunan ang kapatid na si Jose Ariel ay bitbit ito ng tatlong kasamahan papalayo habang pinagsasaksak naman ni Manuel sa tiyan at dibdib.

Patay na nang bitiwan ng mga kasamahan ni Manuel si Jose Ariel at si Jojit naman ay dali-daling sumakay ng tricycle patungong ospital upang malapatan ng lunas ang kanyang tinamong sugat sa balikat.

At matapos ang naturang krimen ay naglahong parang bula ang mga suspek ngunit, paminsan-minsan ay nabubulaga sila kapag nakikita nilang dumadalaw sa pamilya nito sa naturang barangay.

At nitong February 18, 2002 ay lumabas ang warrant of arrest kay Manuel Nera alias ‘‘Oling’’ na no bail sa murder sa namatay na si Jose Ariel Jariel at frustrated homicide naman ang iginawad sa pagkakasugat kay Jojit Jariel ng MCTC ng Atimonan-Plaridel.

Mula noon walang ahensiya ng pamahalaan ang nagsagawa ng pagtugis kay Manuel Nera. Nawalan na siya ng pag-asa na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak sa kanilang lalawigan.

Maging ang National Bureau of Investigation ng Lucena City na kanyang nilapitan ay wala ring ginawang aksyon. ‘‘Nakiusap po ako kay NBI SA Celso G. Ginga, Chief-District Officer ng Lucena City ngunit sinabihan po ako na hanapin ko kung saan nagtatago si Manuel upang kanilang hulihin.’’ Ano ba ’yan NBI Director Reynaldo Wycoco? Ganyan ba ang dapat na asal ng inyong tauhan? Dapat bang ang biktima pa ang maghanap ng suspek. E, paano naman SA Ginga kung si Mang Oscar naman ang patayin ni Manuel? Ala bang inabot na panggastos si Mang Oscar? He-he-he. Maging ang mga duwag at walang bayag na mga kapulisan ng Atimonan ay nabahag ang buntot na arestuhin si Manuel Nera dahil ang makakabangga nila ay angkan ng barangay.

Kaagad kung tinawagan si P/Sr. Supt. Cipriano Querol Jr., ang hepe ng Detective and Special Operation Division ng Criminal Investigation and Detection Group (DSOD-CIDG) na kilalang mahusay magtrabaho at tumugis sa mga kriminal. Agad namang tinugon ang ating kahilingan.

Kaya ikaw Manuel Nera magtago ka na sa saya ng nanay mo dahil bilang na ang araw mo kay Querol.

BARANGAY BUHANGIN

JOJIT

JOJIT JARIEL

JOSE ARIEL

JOSE ARIEL JARIEL

LUCENA CITY

MANG OSCAR

MANUEL

MANUEL NERA

NERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with